30 C
Manila
Biyernes, Mayo 23, 2025

Gatchalian: Pakikilahok ng mga LGU mahalaga sa pag-angat ng literacy sa bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang aktibong pakikilahok ng mga local government units (LGUs) upang masugpo ang illiteracy sa bansa.

Kasunod ito ng paglabas ng 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), kung saan lumalabas na pito sa 10 Pilipinong may edad na 10 hanggang 64 ang maituturing na functionally literate. Ang functional literacy ang kakayahang bumasa, magsulat, mag-compute, at umunawa.

Para sa mga Pilipinong may edad lima hanggang 18, 69.2% ang naitalang functional literacy rate. Para kay Gatchalian, mahalagang matiyak na nakakamit ng mga mag-aaral ang literacy at numeracy pagdating ng Grade 3.

“Ang kakayahang magbasa at magbilang ay mga pundasyong kinakailangan ng ating mga mag-aaral at mahalaga ang pakikilahok ng mga komunidad at lokal na pamahalaan para matugunan ito,” ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education. Dagdag pa ng senador, nakatakdang talakayin ang naturang survey sa isang pagdinig sa Abril 30.

Sa inihaing National Literacy Council Act (Senate Bill No.473), isinusulong ni Gatchalian ang pakikilahok ng mga LGUs sa pagsugpo ng illiteracy. Sa ilalim ng naturang batas, ang mga local school boards ang magsisilbing de facto local literacy council sa mga probinsya, siyudad, at munisipalidad.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -