33.8 C
Manila
Miyerkules, Abril 30, 2025

Mga Fil-Am chefs, kinikilala na sa US

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKIKILALA na ang mga Filipino American chefs sa United States, lalo na yung mga nominado sa 2025 James Beards Awards, isa sa mga pamosong nagbibigay ng parangal sa mundo ng pagluluto.

Monique Feybesse

Ito ang naobserbahan ng Philippine Consul General sa San Francisco Neil Ferrer . Hinihimok niya ang publiko na lumahok sa Filipino Food Crawl sa Bay Area.

Ang lutong Filipino ay matagal nang bahagi ng global food scene, ayon sa consulate sa kanyang Facebook page

“It is here in the Bay Area that we see a flourishing of new Filipino restaurants and food concepts, as well as food innovators and culinary enthusiasts who are bringing the flavors of the Philippines to the world,” sabi ni Ferrer.

Sinabi pa niya na sa Oakland, California “our very own Monique Feybesse, kasama ang kanyang asawang si Paul, ay isa sa mga semifinalist para sa “Outstanding Pastry Chef or Baker.'”

Ang Archipelago, isang  Filipinong kainan sa Seattle, Washington, ay finalist para sa “Outstanding Hospitality,” sabi ni Ferrer.

Hinimok niya ang mga Filipino, “to visit our participating Filipino restaurants, cafes, bakeshops, food trucks, pop-ups and virtual restaurants, where you will have the opportunity to taste, learn about, and celebrate Filipino cuisine in its many forms.”

Para sa mga Filipino na tumutuklas sa mga pagkaing Filipino sa unang pagkakataon,  bukod sa lumpia at ube, ang Filipino Food Crawl-Bay Area ay “offers an exciting way to explore and enjoy the culinary gems of our community,” aniya.

Mula Abril 14 hanggang 30, ang publiko ay maaaring sumali sa programa sa pamamagitan ng pagkain o pag-order mula sa alinman sa mga kalahok na food establishment sa paligid ng Bay Area.

Ang Filipino Food Crawl-Bay Area ay mayroong 21 restaurants, cafes, bakeshops, food trucks, virtual restaurants o ghost kitchens, at pop-up stalls.

Ang pagdiriwang ng Filipino Food Month, na itinatag ng Presidential Proclamation 469 noong 2018, ay naglalayong i-highlight ang mga tradisyon sa pagluluto ng Pilipinas at pasiglahin ang kamalayan at paglago ng Filipino agri-communities at industriya ng pagkain.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -