33.9 C
Manila
Sabado, Mayo 17, 2025

Ugnayan ng SWK at KWF, pinalakas at pinaigting

- Advertisement -
- Advertisement -

PINALAKAS at pinaigting ang ugnayan ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa isang Gawaing Kapulungan at Oryentasyon ng mga SWK Direktor sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) sa San Jose, Pili, Camarines Sur.

Nagkaroon ng pangkalahatang oryentasyon ang mga direktor ng SWK hinggil sa KWF kabilang ngunit hindi limitado sa mga programa at proyekto nito.

Naniniwala si Tagapangulong Arthur Casanova na ang mga direktor ng SWK ay may mahalagang papel upang maabot ng KWF ang iba’t ibang panig ng bansa at magiging katuwang ang mga SWK sa pagsasakatuparan ng mandato ng KWF.

Binanggit din ni Tagapangulong Casanova na makaaasa ang mga SWK na patuloy na susuporta ang KWF sa mga gawaing pangwika at pangkultura na kanilang isasagawa kabilang ang tertulyang pampanitikan at pangwika.

Nagbigay ng panayam si John Lerry Dungca, Senior Language Researcher ng Sangay ng Salin hinggil sa Masinop na Pagsulat at tinalakay naman ni Dr. Jose Evie Duclay, linguistics specialist ng Sangay ng Impormasyon at Publikasyon ang Pagsulat ng Korepondensiya Opisyal.

Dinaluhan ang Kapulungan at seminar na ito ng 31 SWK direktor na nakabase sa mga publiko at ilang pribadong pamantasan mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na pinangasiwaan nina Dr. Leopoldo Transona Jr. ng CBSUA at Minda Blanca Limbo ng KWF.

Dumalo rin ang iba’t ibang Pamantasan kabilang ang Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST), La Consolacion College Bacolod (LCCB), Bukidnon State University (BukSU), Cebu Normal University (CNU), Carlos Hidalgo Memorial State University (CHMSU), Biliran Province State University (BipSU), Marinduque State University (MarSU), Kalinga State University (KSU), Mindanao State University-Tawi-Tawi College of Technology and Oceanography (MSU-TCTO), Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC), Davao Oriental State University (DorSU), University of Southern Mindanao (USM), University of the Assumption (UA), Sulu State College (SSC), Bulacan State University (BulSU), Mariano Marcos State University (MMSU), Occidental Mindoro State College (OMSC), Cebu Technological University (CTU), Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA), Western Mindanao State University (WMSU), University of San Carlos (USC), Aklan State University (ASU), Camarines Norte State College (CNSC), Catanduanes State University (CatSU), Bicol University (BU), Batangas State University (BatSU), Aurora State College of Technology (ASCOT), Pangasinan State University (PSU), University of Antique (UA), Bataan Peninsula State University (BPSU), at Sorsogon State University (SorSU).

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -