28.4 C
Manila
Martes, Hunyo 10, 2025

COA, iginawad ang ikaapat na ‘unmodified opinion’ sa DOST-STII

- Advertisement -
- Advertisement -

NATANGGAP muli ng Department of Science and Technology-Science and Technology Information (DOST-STII) ang ikaapat na ‘unmodified opinion’ mula sa Commission on Audit (COA) para sa mga isinumiteng financial statement nito para sa taong 2024.

Mula noong 2021, taon-taon na natanggap ng DOST-STII ang paggawad na ito mula sa COA.

Mula kaliwa. Buong-pusong ipinagmamalaki ng DOST-STII heads at audit team ang resulta ng Annual Audit Report na ibinigay ng Commission on Audit (COA), kung saan nakamit nito ang ika-4 na ‘unmodified opinion’. Ang DOST-STII heads at audit team ay binubuo nina Marites Bon, administrative officer II; Jean Arabes, administrative officer IV; Ma. Aurora Fe Dayangco, accountant III; Alan Taule, hepe ng Information Resources and Analysis Division; Arlene Centeno, hepe ng Finance and Administrative Division; Rodolfo De Guzman, hepe ng Communication Resources and Production Division; Jelma Madera, administrative aide I; Haina Manago, project administrative aide III; at Cyra Aleila Cruz, Accountant II. (Larawan ni Patrick James Lee C. Alfonso, DOST-STII)

Ang “unmodified opinion” na kilala rin bilang hindi “unqualified opinion” ay ang pinakamataas na rating na ibinibigay ng COA, na nagpapatunay na ang mga pahayag sa pananalapi ng isang partikular na sektor ay ipinakita nang patas, sa lahat ng materyal na aspeto, alinsunod sa pangkalahatang tinatanggap na mga prinsipyo ng accounting o pagtutuos.

“We believe that our audit provides a reasonable basis for rendering an unmodified opinion. We express our appreciation for the valuable support and cooperation extended by the Agency officials and staff to our audit team,” saad ni COA Director IV Corazon Rocas.

Ayon sa COA, ang pag-audit ay isinagawa alinsunod sa International Standards of Supreme Audit Institutions (ISSAIs) upang matukoy ang antas ng katiyakan na maaaring ilagay sa mga pahayag ng ahensya sa mga financial statements nito at upang matukoy ang pagiging angkop ng mga transaksyon pati na rin ang lawak ng pagsunod sa mga naaangkop na batas, tuntunin at regulasyon.

“We are happy that once again, DOST-STII received an unmodified opinion from the Commission on Audit for Calendar Year 2024. The accounting team has been consistent in delivering unwavering commitment to transparency, accountability, and sound financial management since 2021. We are grateful to the Lord for this achievement,” saad ni DOST-STII Chief Administrative Officer Arlene Centeno.

Higit pa sa isang pagkilala, ang paggawad na ito ay isang tunay na testamento ng sama-samang pagsisikap, kasipagan, at integridad ng buong ahensya, ayon kay Centeno.

Dahil dito, nangangako ang ahensya na ipagpapatuloy nito ang paglilingkod sa publiko na may pinakamataas na pamantayan ng mabuting pamamahala.

Ang DOST-STII ay isa sa 18 attached agencies ng DOST, na inatasan na magtatag ng science and technology databank at library, ipalaganap ang impormasyon sa agham at teknolohiya, at magsagawa ng pagsasanay sa agham at teknolohiya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -