MALAPIT nang matapos ang kasalukuyang construction ng bagong hanging bridge sa Barangay Abuyo, Alfonso Castaneda.
Ipinaalam ito ng Department of Public Works and Highways sa isinagawang pulong ng Joint Provincial Peace and Order Council, Provincial Anti-Illegal Drugs Council at Provincial Task Force-End Local Communist Armed Conflict kamakailan sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ayon kay Engineer Samuel Dela Cruz ng Planning and Design Section ng DPWH Second District, matatapos na ang naunang itinayong mga columns o rebutments ng nasabing Tulay at isusunod na ang construction ng daanan dito.
Sa kasalukuyan, ang ginawang daan sa ilog ang nagsisilbing daanan ng mga mag-aaral, mga guro at mamamayan habang ginagawa ang hanging bridge na nagkakahalaga ng P5 million.
Matatandaan na bumigay ang nasabing lumang tulay noong nakaraan taon habang binabaybay ito ng mga mag-aaral at guro na ikinasugat ng mga ito matapos silang mahulog sa mabatong ilog.
Ayon pa kay Dela Cruz, ang construction ng bagong Hanging Bridge sa barangay Abuyo ay isa sa mga prayoridad na mga proyekto ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos,Jr. (BME/PIA NVizcaya)