25.8 C
Manila
Martes, Disyembre 3, 2024

‘Joy Ride’ at ‘Angkas’ riders biyaheng BBM-Sara Uniteam sa 2022

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKILAHOK sa caravan ng BBM-Sara UniTeam ang grupo ng mga “Joy Ride” at “Angkas” riders na ginanap sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City noong Miyerkules (December 8, 2021).

Tinatayang nasa isang libo (1,000) na pinagsamang “Joy Ride” at “Angkas” riders ang sumama sa caravan ng BBM-Sara UniTeam. Sila ay nagpakita rin ng kanilang solidong suporta at pagmamahal sa tambalan.

Nagmistulang alon na sumabay sa karagatan ng pula at berde ng tagumpay ng caravan ang mga riders na nakasuot naman ng kanilang uniporme na kulay asul, anya nais din nilang ipakita ang kanilang buong pagmamahal at paghanga sa BBM-Sara UniTeam.

“Nandito kami para ipakita ang aming buong suporta sa BBM-Sara, tuloy tuloy na itong byahe na ‘to hanggang 2022, solid BBM-Sara kami,” ayon sa mga riders.

Kanya-kanyang busina at sigaw na may pagmamahal sa bawat arangkada ng caravan, bawat isa ay may pagsaludo sa tambalang dala ang adbokasiya ng pagkakaisa.

Napuno ang kahabaan ng kilalang pinakamalawak na kalsada, ang Commonwealth Avenue, ng ibat-ibang grupo at residente ng Quezon City, maging mga residente ng kapit-bahayan na mga lungsod ay sumama rin sa Caravan ng BBM-Sara UniTeam.

Sa kabuoan umabot sa limang oras ang caravan na  natapos sa Welcome Rotonda, ang Unity Ride na naging lubos na matagumpay sa unang arangkada nito sa National Capital Region (NCR).

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -