26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

BBM-Sara Uniteam kinundena ang pamamaril sa dalawang mayor sa Zamboanga City

- Advertisement -
- Advertisement -

KINUNDENA nina BBM-Sara UniTeam Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Vice-presidential aspirant Sara Duterte ang pamamaril sa dalawang mayor sa Zamboanga City ng mga hindi pa nakikilalang salarin nitong Lunes ng umaga.

Nasawi sa insidente si Al Barka, Basilan Mayor Darussalam Saguindilan Lajid na miyembro ng partidong Lakas-CMD at ang kanyang aide. Samantalang sugatan naman si Akbar, Basilan Mayor Alih Awal Sali.

Ayon kay Marcos, hindi na dapat nangyayari ang mga ganitong uri ng political violence bagkus ay pagtuunan na lamang ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa kabila ng mga magkasalungat na pananaw.

“Talagang yan ang iniiwasan natin. Sana naman hindi humantong itong eleksyon na ito sa isang political violence. Sana malampasan na natin yan. Kaya’t siguro tamang-tama ang aming mensahe ng pagkakaisa. Huwag na natin ginagawa yan at kung ano yung mga pagkakaiba natin ay tanggapin natin. Huwag papupuntahin sa karahasan kagaya ng nangyari,” paliwanag ni Marcos.

Umaasa si Marcos na hindi na mauulit ang ganitong insidente at hanapan ng paraan na ang mga hindi pagkakaunawaan ay maiwasang humantong sa karahasan.

“I hope that this is the last time that we hear this kind of news and I enjoin everyone to not bring this political difference that we might have into violence. We should always be able to find a better way,” sabi pa ni Marcos.

Nagpaabot din ng pakikiramay sina Marcos at Duterte sa mga pamilya ng mga biktima at nasawi.

“Our thoughts and prayers are with the families ng mga nasawi at sana naman ay hindi na mauulit ito habang tumagal ang eleksyon,” ayon kay Marcos.

“With the officers and members of Lakas-CMD, my thoughts and prayers for Mayor Darussalam and his aide as we offer their families our deepest condolences. We also wish for the speedy recovery of Mayor Sali, member of the local United Bangsamoro Party but also a member of the Lakas-CMD in Basilan,” pahayag naman ni Inday Sara Duterte.

Humihingi rin ng agarang hustiya ang BBM-Sara UniTeam sa nangyaring insidente.

“May the perpetrators behind this appalling attack be immediately brought to justice,” ayon sa pahayag ng BBM-Sara UniTeam.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -