NAGSAGAWA ang bagong itinalagang Office of the Vice President (OVP) Spokesperson Atty. Ruth Castelo ng Press Conference sa OVP Central Office ngayong araw, Hulyo 9, 2025.

Sa briefing, inihayag ni Castelo na ang OVP, sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Inday Sara Duterte, ay nakatanggap ng annual audit report nito mula sa Commission on Audit (COA), kung saan nakatanggap ang tanggapan ng unmodified opinion sa loob ng 3 magkakasunod na taon.



