30.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 6, 2024

Liham kahilingan para sa suporta ng lahat ng private schools para sa Kalinga Party-list ngayong Mayo 9 halalan

- Advertisement -
- Advertisement -

Mahal naming private school stakeholders:

Ang KALINGA Party-list ay lumiliham sa inyong mga administrators, principals, guro, magulang, at mag-aaral sa mga pribadong paaralan upang magpakilala at maglahad ng mga plano sa ating sektor.

12 taon na po tayo sa Kongreso. Ilan sa ating mga naipasang batas ay ang 10-taon na bisa ng mga passport, pagpapahaba ng validity ng driver’s license, at ang simpleng Karangalan nating ibalita na subok na ang KALINGA Party-list sa pag-aalaga, pagdamay, at pagseserbisyo sa pamilyang Pilipino. Sa buong Pilipinas matatagpuan ang ating mga proyekto gaya ng emergency employment sa DOLE-TUPAD, financial assistance sa DSWD-AICS, DOH medical assistance, CHED at TESDA scholarships at mga ipinatayong gusali at kalye.

Sa kabila ng panganib ng pandemya, mabilis tayong naghatid ng tulong sa mga frontliners at ayuda sa mga pamilya. Sa pinakagipit na kalagayan dapat ay tulungan ang ating mga kababayan. Sa mga nagdaang sakuna at kalamidad ay tugon natin ang mga relief operations. Nakakarating sa mga malalayong lugar sa ating mga medical mission.

Ako, si Cong. Irene Saulog, ay magiging boses ninyo sa Kongreso para isulong ang pagpapabuti ng kalagayan di lamang ng pribadong edukasyon kundi ng kabuuang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ako po ay dating guro at administrator sa Maranatha Christian Academy sa higit na 10 taon bago lumahok sa serbisyo publiko. Malapit sa loob ko ang mga isyung ipinaglalaban ng mga pribadong paaralan.

Narito po ang ilang panukalang batas na ating isusulong sa 19th Congress:

1. Pagtataas ng Teachers’ Salary Subsidy (TSS) upang masolusyunan ang paglipat ng napakaraming mga guro sa public schools. Hindi dapat pabayaan ang napakalaking agwat ng sahod ng mga guro sa public at private schools. Dapat pigilan ang brain drain.

2. Pagtataas ng ibinibigay na halaga sa Educational Service Contracting (ESC) voucher system. Palalawakin din ang implementasyon nito para maisama ang elementarya. Dapat ay maging abot-kaya sa mga ordinaryong magulang ang pagpapaaral sa private school.

3. Pagkakaroon ng representasyon ng private schools sa local school board ng mga LGUs. Pagdating sa mga usaping pang-edukasyon, nararapat lamang na may boses ang mga stakeholders lalong-lalo na ang mga private schools na apektado ng mga policies ng lokal na pamahalaan.

4. Pagbibigay ng abot-kayang pautang sa mga private schools. Interest-free loans para matulungang makabangon at mapigilan ang pagsasara pa ng maraming private schools.

Naniniwala tayong kaagapay ng gobyerno ang private schools sa pagbibigay serbisyo ng de-kalidad na edukasyon. Hindi ito dapat pabayaan at ang Konstitusyon mismo ang kumikilala sa mahalagang papel ng pribadong sektor.

Gayundin, di dapat pang-mayaman lang ang private schools. Posible itong maging abot kaya sa mga ordinaryong pamilya sa pamamagitan ng tulong ng gobyerno. Bigyan natin ng tulong ang mga magulang na pinili ang private school para sa kanilang mga anak.

Sa ganitong paraan, mababawasan din ang sobrang daming mag-aaral sa public schools. Ito ay laging problema ng gobyerno taon-taon tuwing pagbubukas ng klase.

Ibinibigay ko po ang aking taos-pusong pangako na ipaglalaban ang mga ito. Kasama rito ang ating mga panukalang P2,000 universal ayuda sa lahat ng Pilipino, libreng cash in/cash out sa mga e-wallets, at pagiging simple ng mga job requirements. Ang mga ito ay konkretong plano para matulungan ang mga pamilyang makabangon sa pandemya.

Ngayong Mayo 9, 2022 ay sama-sama tayong bumoto para sa KALINGA Party-list. Isang boto lamang sa party-list at sana ay piliin ninyo ang #68 sa balota. Ang boto sa KALINGA Party-list ay boto di lamang sa magandang bukas para sa ating pamilya kundi sa kapakanan ng private school sector.

Maraming salamat po.

Nagmamahal,
Cong. Irene Saulog
Kalinga Party-list

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -