SA IKATLONG araw ng paghahatid ng mga Christmas gift boxes ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga barangay, pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan kasama sina Vice Mayor Yul Servo Nieto, at mga kongresista at mga konsehal mula sa District 3, 4, 5, at 6 ang pagbibigay saya nitong Linggo, December 3.
Personal na nagtungo at namigay ang mga opisyales ng Maynila sa Cabildo Street, Sarmiento Covered Court, Brgy. 37 Covered Court, at Laguna Extension para ihatid ang mga Christmas gift boxes ng mga nasasakupang barangay.
Kasabay ng kanilang pamimigay ay naihatid na rin ang mga gift boxes sa 120 na kabuuang mga barangay sa District 3, 4, 5, at 6 sa tulong ng Department of Public Services, Department of Engineering and Public Works, at Manila Traffic and Public Bureau.
Nauna rito, namigay rin ng pamaskong handog sa Districts 1, 2, 5, at 6 noong Sabado, Disyembre 2.
Matatandaang nagsimulang mamahagi ng pamaskong regalo ang pamahalaang lungsod ng Maynila noong unang araw ng Disyembre sa mga barangay na nasasakupan ng Districts 1-4 na ginanap sa Bangkaso Covered Court, Brgy. 148 Covered Court, P. Guevarra Street, at Earnshaw Street.