MATAGUMPAY na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas ang proyektong “Kapit-Bisig: Sama-sama para sa Malusog na Stoi. Tomas.” Ginanap ang gabi ng pagkilala at pasasalamat sa pamunuan ng 30 barangay at lahat ng Barangay Health Workers sa lungsod noong nakaraang Nobyembre 24 sa sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan.
Ayon sa alkalde, layon ng programang ito na magpasalamat at mabigyan ng pagkilala ang mga kakapit-bisig sa barangay para sa kanilang mga pagsisikap at dedikasyon sa pagbibigay ng mataan na kalidad ng serbisyong pangkalusugan at paghahatid ng mga programang magpa-paramdam na MahALAGA Ka Tomasino.
Ilan sa mga pagkilalang iginawad ng City Health Office ay ang may pinakamataas na accomplishment sa TB program, Fully Immunized Children (NIP), Lowest dengue and typhoid cases barangay, pinaka mahabang taon ng serbisyo bilang BHW at marami pang iba.
Dumalo rin sa aktibidad na sina Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Panlungsod, CGDH Dr. Roselle Sanchez, Dr. Arnielyn Marasigan-Aguirre, HEPU Adviser/Executive Asst V. CGADH Dr. Fernan Ramos, mga Punong Barangay sa lungsod at mga kawani ng City Health Office.