33.6 C
Manila
Biyernes, Mayo 9, 2025

Presyo ng mga pagkain malaki ang naiambag sa pagbaba ng inflation

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

TULOY-TULOY ang pagbagsak ng year-on-year (YOY) inflation mula Setyembre hanggang Nobyembre. Mula 6.1 porsiyento noong Setyembre, bumagsak ito sa 4.9 porsiyento noong Oktubre at dumausdos sa 4.1 porsiyento, malapit sa higher end ng range ng inflation target na 2-4 porsiyento. Ito ang pinakamababang antas ng pagtaas ng presyo mula noong Abril 2022. (Table 1)

Dahilan nito, malaki ang probabilidad na matatapos na ang paghihigpit ng monetary policy ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at kung magtatagal ang sitwasyong ito ng isa o dalawa pang buwan, puwede nang pababain ang interest rates at pataasin ang paglago ng ekonomiya.

Malaking naiambag ng food prices sa pagbaba ng inflation. Bumaba ang YOY inflation ng food mula 9.7 porsiyento noong Setyembre sa 7.0 porsiyento at 5.7 porsiyento sa magkakasunod na buwan. Pagkatapos ng mga bagyo at baha at pagdating ng imports ng pagkain, naging matatag na ang supply ng goods sa merkado. Tuloy ang pagbaba ng inflation ng karne, isda, gulay at asukal ngunit nagbabadyang tumaas ang presyo ng palay maski katatapos lang ang masaganang ani ng PIlipinas noong Nobyembre. Maski bumaba sa US$630/MT ang export price ng bigas sa Thailand mula sa tugatog nito noong Agosto na $635/MT,  pataas kasi ang YOY export price sa 36.8 porsiyento mula sa export price na $440/MT noong Nobyembre 2022. Ito ang dahilan kung bakit ayaw bumaba ang presyo nito sa lokal na merkado. Pagkatapos ng isang buwang impact ng price control na kung saan bumagsak ang MOM inflation ng bigas sa -4.0 porsiyento, sumipa uli paakyat sa 2.7 porsiyento noong Nobyembre ang MOM inflation ng bigas.

Tuloy-tuloy din ang pagbaba ng non-food YOY inflation sanhi ng paghina ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Nagsimula nang bumagsak ang year-on-year inflation ng transport, mula 1.2 porsiyento noong Setyembre papuntang -0.8 porsiyento noong Nobyembre. Base sa Dubai crude oil futures market, mukhang bababa nang 3.2 porsiyento sa $74.35/barrel mula sa presyo nito na $76.78 noong Disyembre 2022.

Pagkatapos ng 1.1 porsiyento na pagtaas month-on-month (MOM) noong Setyembre 2023, bumagsak sa -0.2 porsiyento ang MOM inflation noong Oktubre at nagnormalisa sa 0.2 porsiyento noong Nobyembre. Ang food supply ay nag-stabilize pagkatapos ng paghagupit ng mga bagyo at masungit na habagat. Ngunit nagbabadya ang maaring pagsipa ulit ng food prices dahil sa epekto ng climate change sa iba’t ibang bahagi ng mundo at ang pagsikip ng value chain dahilan ng geopolitical tensions.


Naglunsad ang Department of Agriculture (DA) ng food production program mula 2023 hanggang 2025 para malimita ang epekto ng mga ito. Kasama sa programa ay ang pagtayo ng postharvest at processing facilities, pagpapabuti sa logistics, market linkages and arrangements, at research and development. Sakop ng programa ang bigas, mais, hign value crops,  livestock, poultry, fisheries, atbp.

Ayon sa DA website, layunin ng programa ang self-sufficiency ng bigas sa 2025.  Maghahanap sila ng mga specific areas para sa  inbred and hybrid rice production at magbabalangkas sila ng estratehiya  para sa newly irrigated areas. Ang  production program ng mais ay magtatayo ng  production areas para sa  genetically modified and open-pollinated varieties. Ang target sa mais ay magpalawak ng produksyon ng 1.5 million metric tons gamit ang  700,000 ektarya ng lupa sa pamamagitan ng double cropping. Magkakaroon din ng programa  para sa high value added crops gaya ng okra, sibuyas, saging, manga, pinya, durian, calamansi, langka, avocado,  dragonfruit, kape, cacao, ube, pili nuts, cashew, at kawayan. Sana ay magtagumpay ang programang ito para hindi na maulit ang matataas na inflation rates dahil sa kakulangan ng supply ng pagkain.

Table 1. CONSUMER PRICES, 2023
    In Percent  

Year-on-Year (YOY)

                                   Month-on-Month (MOM)
September October November September October November
ALL ITEMS 6.1 4.9 4.1 1.1 -0.2 0.2
I. FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES 9.7 7.0 5.7 2.0 -1.0 0.2
    Food 10.0 7.1 5.8 2.2 -1.1 0.2
       Rice 17.9 13.2 15.8 8.4 -4.0 2.7
       Meat 1.3 0.8 0.5 -0.4 -0.5 -0.5
      Fish 6.1 5.6 4.9 0.1 -0.1 0.4
      Milk 7.3 7.5 7.6 0.4 1.2 1.0
     Vegetables 29.6 11.9 -2.0 2.5 -3.0 -4.0
     Sugar 9.0 4.9 1.5 -0.3 -0.4 -0.4
II. ALCOHOLIC BEVERAGES AND TOBACCO 9.8 9.3 9.0 0.3 0.3 0.3
NON-FOOD 3.5 3.4 2.9 0.5 0.3 0.1
III. CLOTHING AND FOOTWEAR 4.7 4.8 4.3 0.2 0.3 0.2
IV. HOUSING, WATER, ELECTRICITY, GAS AND OTHER FUELS 2.4 2.6 2.5 0.7 0.7 0.3
V. FURNISHINGS, HOUSEHOLD EQUIPMENT AND ROUTINE HOUSEHOLD MAINTENANCE 5.4 5.3 4.7 0.3 0.3 0.3
VI. HEALTH 4.1 4.0 3.8 0.2 0.2 0.2
VII. TRANSPORT 1.2 1.0 -0.8 1.0 -0.2 -0.6
VIII. INFORMATION AND COMMUNICATION 0.6 0.8 0.6 0.1 0.2 0.0
Source: PSA

 

 

- Advertisement -

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -