NANAWAGAN si Sen. Grace Poe na dapat matugunan ang ‘rotational blackout’ sa ilang bahagi ng Western Visayas bago mangyari ang blackout sa rehiyon.

Post ni Senator Grace Poe sa kanyang Facebook page, “ The rotational blackout in parts of Western Visayas must be addressed before darkness engulfs the region anew.”
Sinabi pa niya n adapat lamang na mabilis na tumugon ang NGCP, mga pribadong kompanya at iba pang ahensya na sangkot sa blackout noong Enero 2-5, 2024, kung supply, generation o transmission ang dahilan nito, para hindi na maulit ang power outage.
“It’s imperative for the NGCP, private firms and other concerned agencies to work double time to stem the problem, whether on the supply, generation or transmission side, to avert a repeat of the recent power outage.”
Dagdag pa ng Senador, “Hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa nakaraang blackout, at hindi pa napapanagot ang mga responsable, meron na namang outage.
“Households, schools, businesses, government offices suffer immensely, and activities come to a halt without power.
“The rolling blackouts must not be the way of life for our people. (Hindi dapat maging normal ang rolling blackouts para sa ating mga kababayan.”)
Graphic mula sa Facebook page ni Senator Grace Poe