30.4 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Pahayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa nirebesang IRR ng Service Charge Law

- Advertisement -
- Advertisement -

“PATAS na service charge, deserve ng lahat.” Ito ang sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva tungkol sa binagong IRR ng Service Charge Law.

Kuwento ni Sen Villanueva, “Simula palang po nang inihain natin ang Service Charge Law noong 17th Congress, pinaglaban na po natin na lahat ng mga empleyado sa service industry ay makatanggap ng 100 porsieynto service charge na nararapat sa kanila, anuman po ang kanilang employment status. Kaya po welcome development po ang paglilinaw na kasama na rin ang mga non-regular workers sa makikibahagi sa service charge na deserve po nila.

Dagdag pa niya. “Patuloy po tayong nagsusulong ng mga panukalang magbibigay proteksyon sa ating mga manggagawa. Kabilang na po rito ang Expanded Unemployment Insurance Act, Hazard Pay for Workers in Critical Industries Act at Security of Tenure Act.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -