28.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Ikalawang Matatag K-10 Curriculum Pilot School Implementer binisita ni BP Sara

- Advertisement -
- Advertisement -
MASAYANG ibinalita ng Ikalawang Pangulong Sara Duterte ang kanyang pagbisita sa Lanna National High School, ang ikalawang Matatag K-10 Curriculum Pilot School Implementer.
ayon sa post niya sa Facebook page ni VP Sara, “Ang Lanna National High School sa bayan ng Tumauini, Isabela ang pangalawang Matatag K-10 Curriculum Pilot School Implementer na ating binisita sa Cagayan Valley Region. Ito ay upang masiguro na maayos ang implementasyon ng ating programa at upang kamustahin ang mga guro at mag-aaral hinggil dito.
“Ang Office of the Vice President, sa pamamagitan ng Cagayan Valley Satellite Office sa Cauayan, Isabela ay namahagi rin ng PagbaBAGo bags sa ating mga mag-aaral sa Grade 7. Ito ay upang maipabatid sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng edukasayon sa pagbabago ng kanilang buhay at ng kanilang pamilya.
“Nagkaroon din tayo ng pakipagdayalogo sa ating mga guro upang alamin ang kanilang mga saloobin sa isinusulong na pagbabago sa Kagawaran ng Edukasyon at upang maipaliwang sa kanila ang mga ginagawa natin ayon sa inilunsad nating Matatag Agenda.
Muli, maraming salamat sa ating mga magigiting na mga guro sa serbisyo ninyo para sa bayan.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -