26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

- Advertisement -
- Advertisement -
SA pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang taumbayan na yakapin ang ating pagka-Pilipino tungo sa nagkakaisang bansa na nagtutulungan sa pag-abot ng kaunlaran ng lahat.
Tinalakay rin niya ang kahalagahan ng kasaysayan upang makamit ang tunay na kalayaan at malampasan ang mga hamon sa kasalukuyan tulad ng kahirapan, kagutuman, at kawalan ng katarungan.
Sa Parada ng Kalayaan na bahagi ng pagdiriwang nng Araw ng Kalayaan, hinimok ni Pangulong Marcos Jr. ang mga Pilipino na patuloy na ipaglaban ang ating kasarinlan at isabuhay ang diwa ng kabayanihan para sa kinabukasan ng bansa.
Tampok sa parada ang ating sandatahang lakas, mga float na hango sa mga pangyayari na kaugnay ng ating kalayaan, at mga float ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Para sa selebrasyon, sari-saring aktibidad din ang inihanda ng pamahaalan, gaya ng MusiKalayaan, Love Lokal Tiangge, Kalayaan Obstacle Course at iba pa.
⁨Sa talumpati ni Pangulong Marcos Jr. sa vin d’Honneur, ibinahagi niya ang “brand of governance” na kilala bilang “Bagong Pilipinas,” na nakatuon sa pangangailangan ng mga mamamayan nito, at hindi sa pulitika o pansariling kapakinabangan.
Ang layunin nito, gabay ang Philippine Development Plan 2023-2028 ay pagkaisahin ang mga Pilipino at palakasin ang ekonomiya ng bansa.⁩
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -