“Kapag wala na po ang lagnat, ‘yun po ang pinaka-kritikal period in the natural history of dengue.”
Ito ang binigyang-diin ni City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) head Dr. Donnabel Panes sa gitna ng pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod.
Ang mga kinakapitan ng dengue ay kadalasang nagkakalagnat at nakakaramdam ng sakit sa kasu-kasuhan at sa likod ng mata. Sa loob ng dalawa hanggang pitong araw ay posibleng may lumabas ng mga rashes, paliwanag ni Panes.
Kapag dalawang araw ng may lagnat at may kaso ng dengue na naitala sa lugar ay mainam na magpakonsulta kaagad. Sa mga health facilities ay isasailalim sa laboratory test ang mga blood samples upang malaman kung positibo ng dengue virus ang pasyente o hindi. Nagbabala rin ito ng mga posibilidad ng gum bleeding, maitim na tae, at severe abdominal pain na indikasyon ng internal bleeding.
“When the fever decrease, that’s where the critical phase of dengue will come in. After the critical phase, you will recover,” ayon kay Panes.
Binigyang-diin naman nito ang kahalagahan ng bed rest at hydration sa mga kinapitan ng dengue.
Samantala, upang makaiwas sa dengue fever ay pinapayuhan nito ang publiko na magsuot ng long sleeves at mga damit na light colors.
Mahalaga aniya na protektahan ang sarili sa daytime dahil maituturing na ‘day biters’ ang mga dengue mosquito. Maaari ring gumamit ng mosquito repellents.
“Even wearing long sleeves, hindi manipis dahil puwede pa ring makagat. Wear light colors, this mosquito tend to be attracted with dark colors,” dagdag nito.
Nagkaroon na rin sila ng pag-uusap sa Department of Education para sa pagsuspendi muna sa pagsusuot ng uniporme dahil pa rin sa banta ng dengue. (DEG-PIA CAR)