28.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Kampanya kontra droga, pinaigting sa Nueva Vizcaya

- Advertisement -
- Advertisement -

PATULOY at pinaigting pa ang kampanya ng mga otoridad laban illegal na droga sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Batay sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa joint meeting ng Provincial Peace & Order Council, Provincial Anti-Illegal Drug Abuse Council at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict, nasa 189 na ang drug-cleared barangays habang 77 naman ang drug-free barangays mula sa kabuuang 275 na mga barangay ng lalawigan.

“Tuloy-tuloy ang ating kampanya sa illegal na droga at patuloy din ang suporta sa atin ng ating mga mamamayan at mga barangay official,” pahayag ni Jojo Gayuma, agent-in-charge ng PDEA sa lalawigan.

Dagdag ni Gayuma na nasa siyam pa ang nananatiling drug-affected barangays sa Nueva Vizcaya.

Ayon naman kay Police Colonel Ferdinand Laudencia, Provincial Operations & Management Unit chief, nasa 124 na Anti-Illegal Drug Operations ang kanilang naisagawa mula May hanggang July 2024 sa lalawigan.

Ayon kay Laudencia, nagresulta ito sa pagkaka-aresto ng 15 katao na nahaharap ngayon sa kaso. Umabot naman sa 62.89 gramo ang nakumpiskang shabu at 695.09 gramo ang marijuana na nagkakahalaga ng P427,652.00 at P83,410.44.

Hinimok din ni Laudencia ang mga mamamayan na ituloy ang kanilang suporta sa pamahalaan upang masugpo ang ilegal na droga sa lalawigan.

Para sa mga Tip at Sumbong: Kontakin ang PDEA NVPO @ 09658108919. (OTB/BME/PIA NVizcaya)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -