26.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

Sen Hontiveros: Sumulat ako sa RTC ng Tarlac at sa Custodial Center ng PNP para dumalo si Alice Guo sa Senado sa Lunes

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng pahayag si Senador Risa Hontiveros sa kasalukuyang nangyayari kung sino ang dapat na maghawak kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo

Aniya, “Sumulat ako sa RTC ng Tarlac at sa Custodial Center ng PNP to make Alice Guo appear at our hearing on Monday.

“Sa totoo lang, dapat naiturn-over na siya sa Senado pagkatapos maproseso ng NBI o PNP. Iyan ang pinag-usapan at iyan ang tamang proseso dahil sa Senado galing ang orihinal na arrest warrant laban kay Alice Guo.

“Sandiganbayan ang dapat may hawak sa graft and corruption charges laban sa high-ranking officials gaya ni Mayor Guo. Did the DILG file a deliberately watered-down case to wrest custody of the fugitive? Bakit?

“Napaka-iregular ng mga nangyari. We will get to the bottom of who is orchestrating all this circus and wild goose chase.

“Gayunpaman, iginagalang natin ang husgado at inaasahan ko na pagbibigyan ng korte ang Senado sa aming mandato sa pagtuklas sa katotohanan sa lahat ng kontrobersya tungkol sa POGO, kay Alice Guo at sa mga tumulong sa kanya.”

Nauna rito, nagbigay din ng puna ang senador sa mga nangyari sa pag-aresto kay Guo sa Indonesia.

Aniya, “:We want answers, not a photoshoot. Matapos nyang makipag-taguan sa batas, ginawa namang fan-meet nitong si Alice Guo ang pagkakaaresto nya. Kulang na lang, red carpet.

“Tingnan natin kung gaano sya ka-photogenic sa hearing sa Lunes. Unli-pictures sya doon.

“Isang paalala rin sa ating mga kasamahan sa gobyerno, hindi dapat ginagawang social event ang pag-aresto sa isang puganteng sangkot sa patong-patong na kaso ng human trafficking, money laundering, fake identity, gross misconduct, illegal recruitment and detention, at corruption.

“Pinaglaruan ni Alice Guo ang mga batas ng Pilipinas at ginamit niya ang posisyon niya para makapag-operate ang mga POGO na naging sangkot sa kidnapping, murder, human trafficking, at prostitution.

“Alice Guo, the fake Filipino, will have a lot of explaining to do on Monday.

“Pagbabayaran niya ang pagsisinungaling niya, ang pagtago, pagtakas, at ang panloloko sa sambayanang Pilipino.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -