NAGBIGAY ng pahayag si Senador Win Gatchalian hinggil sa pagkakaaresto at pagkakadala ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa bansa.
Ayon sa senador, “:Ngayong nandito nang muli sa ating teritoryo si Guo Hua Ping, o mas kilala bilang Alice Guo, panahon na upang ilahad niya ang buong katotohanan tungkol sa operasyon ng POGO sa Bamban kapag humarap na siyang muli sa imbestigasyon ng Senado.
“Mas makabubuting magsabi na siya ng totoo. Ang patuloy na pagsisinungaling o anumang pagtatangka na pagtakpan ang mga kasabwat at utak sa likod ng mga operasyon ng POGO ay magdudulot lamang ng mas mabigat na parusa sa kanya.”