26.2 C
Manila
Linggo, Hunyo 14, 2026

Agarang tulong mula sa #TeamLingkodLoren

- Advertisement -
- Advertisement -

BINISITA ni Senator Loren Legarda ang General Santos City at namigay ng tulong sa Barangay Calumpang. Narito ang kanyang pahayag.

“Ngayong araw, binisita ko ang mga kababayan nating naapektuhan ng lindol at pinangunahan ko rin ang relief operations sa General Santos City na isa sa mga pinakanaapektuhan ng pagyanig. Sa Barangay Calumpang, namahagi ang #TeamLingkodLoren ng food packs at mga kumot sa mga residente. Ang mga tulong na ito ay mula sa aking personal na pondo at hindi pondo ng gobyerno bilang agarang tugon sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng sakuna.

”Simula pa noong Hunyo 10, nasa General Santos City na ang #TeamLingkodLoren para magsagawa ng ocular at makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal, kaya naging maayos at mabilis ang pamamahagi ng tulong.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -