26.2 C
Manila
Linggo, Hunyo 14, 2026

VP Sara pinangunahan ang selebrasyon ng Ika-128 Araw ng Kalayaan sa Davao

- Advertisement -
- Advertisement -

INIULAT ni Vice President Sara Duterte ang naganap na selebrasyon ng ika-128 Araw ng Kalayaan sa Rizal Park, Davao City. Narito Ang kanyang pahayag.

 

 

”Isang karangalan para sa atin na makibahagi sa paggunita ng Lungsod ng Dabaw sa ika-128 Araw ng Kalayaan sa Rizal Park noong nakaraang araw, kung saan nag-alay tayo ng bulaklak bilang pagkilala at selebrasyon sa katapangan ng mga taong lumaban para sa ating kalayaan at soberanya.

”Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa makabuluhang pagtitipon na ito, kabilang na ang security forces, mga miyembro ng diplomatic corps, mga beteranong sundalo, mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Dabaw, at iba pa nating kababayan.

”Let us resolutely stand up again for truth, for accountability, for freedom, and for sovereignty. Piliin natin ulit ang paglaban kaysa pagsuko, ang dangal kaysa sa pagpapasakop. Piliin natin ang katotohanan. Piliin natin ang pananagutan. At higit sa lahat, piliin natin ang pag-asa.

”Ang Independence Day mao ang atong adlaw sa paglaom nga ang kagawasan ug soberanya mao gyud ang atong tinuod ug malungtarong kabilin.

“Mga kababayan, mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -