BUMISITA si Sen Win Gatchalian sa Saranggani kasama sina Sen. Migz Zubiri, Sen. JV Ejercito at Sen. Erwin Tulfo para personal na mag-abot ng tulong sa mga biktima ng lindol. Narito ang kanyang pahayag.

“Ang pangunahing layunin natin ay maihatid agad ang kinakailangang suporta sa mga komunidad na naapektuhan ng lindol.
”Nagpaabot tayo ng 700 sakong bigas at tulong pinansyal sa Lalawigan ng Sarangani upang kahit papaano ay maibsan ang bigat ng pinagdaraanan ng ating mga kababayan.

”Nakipag-ugnayan din tayo kina Gov. Ruel Pacquiao at Mayor Jun Sumbo, at personal na inalam ang kalagayan ng mga residente.”



