JUAN, ano itong nababasa ko na maraming kumpanya daw ngayon ang nagtatanggalan?
Ay naku, Uncle, totoo po yun. Sa aming opisina, nagkakaroon ng major restructuring at organizational change. Ibig sabihin, mukhang magbabawas ng tao kasi hindi na kaya ng negosyo o di kaya’y lumiliit na masyado ang kita at dapat bawasan ang gastos tulad ng pagpapasuweldo sa tao.
Anong pakiramdam nyo na baka mawalan kayo ng trabaho? Maapektuhan ka ba?
Siyempre, Uncle, ninenerbiyos ako lalo na’t malapit na ang Pasko. At sa mga may anak at pamilya, mas kinakabahan sila. Buti na lang wala pa kong pamilya. At buti na lang, nakinig ako sa mga sinabi nyo sa akin dati.
Ganun? Salamat naman at binigyang halaga mo ang mga payo ko sa yo. Para pag dumating ang mga ganitong situwasyon, handa ka na harapın at hindi ka masyadong mahihirapan.
Isa sa mga mahirap na problema ay mawalan ng trabaho. Depende kung nasaang eştado ka ng iyong buhay, kung ikaw lang ang may hanapbuhay sa pamilya, may pinapaaral kang mga anak o di kaya’y merong may sakit sa pamilya, napakalaking hamon ito.
Ayon sa ulat ng United Nations Development Programme sa kanilang 2024 Regional Human Development Report, kahit gumaganda ang ating progreso sa human development sa Asya at sa buong mundo, ang Pilipinas ang may pinakamatinding problema sa paghahanap ng trabaho o sa pagkakaroon ng job opportunities sa Southeast Asia.
Ito ay dahil sa mabagal na economic growth at investment, mataas na populasyon, kahinaan sa edukasyon at climate change kung saan madalas tayong binabagyo at binabaha na nakakaapekto sa kalakalan at negosyo.
Mula sa datos ng Philippine Statistics Authority, gumanda rin ang ating unemployment rate sa 3.1 porsiyento nung June 2024, pinakamababang unemployment rate ng Pilipinas sa loob ng dalawang dekada.
Pero may isyu daw tayo sa job quality. Ibig sabihin ay ang nakukuhang trabaho ng maraming Pilipino ay mababa ang kita o income kaya hirap pa rin ang karamihan.
Kaya mahina ang ating savings rate sa bansa. Walang masyadong nakakaipon at ang tumataas ay ang lebel ng pangungutang.
Ayon sa Consumer Expectations Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa pangalawang quarter ng 2024, bumaba ang porsiyento ng households na may ipon sa 31.4 porsiyento at isa sa apat na households ang nangungutang para sa pagbili ng basic goods at sa iba pang gastusin.
Ang mawalan ng trabaho ay hindi lamang dagok sa ating pinansyal na aspeto sa pamumuhay kundi pati sa physical, emotional at mental health. Sadyang mabigat ang stress at anxiety, lalo na’t mahirap maghanap ng kapalit na trabaho at kung wala kang naitabi para sa emergency na krisis tulad nito, mas nakakabaliw ika nga. Yung malagay ka sa financial instability ay magdudulot talaga ng maraming negatibong emosyon at puedeng pati katawan mo ay bumagsak sa kaiisip at pagiintindi.
Ano ang dapat gawin para mas maging handa sa mga hindi mo inaasahang pangyayari tulad ng mawalan ng trabaho?
Maging HANDA ka:
H- ave an emergency fund. Kung makakaipon ka na katumbas ng tatlo o anım na buwan ng iyong kinikita, mas maganda. Kadalasan, tatlo o anim na buwan ang palugit bago ka makahanap ng kapalit na trabaho.
A-yusin mo ang lahat ng makukuha mong separation o redundancy pay sa iyong opisina. At lahat ng puede mong ma-monetize na vacation o sick leaves. Siguraduhin mong makuha ang lahat ng benepisyo mo na naaayon sa batas. Kung may mga utang ka, mas maiging bayaran mo na muna lahat ng utang mo mula sa lump-sum na makukuha mo.
N-eed to have a budget. Dahil hindi mo sigurado kung kelan ka magkakaroon ng bagong trabaho, kailangan mong ayusin ang budget mo kada buwan at siguraduhing ang gastusin ay hindi lalampas sa pondong meron ka para sa susunod na tatlo hanggang anim na buwan.
D- agdagan ang iyong kakayahan o kapasidad habang ikaw ay nakapuwesto pa sa dating trabaho. Gawing disiplina ang umattend ng seminar o forum kung saan ka puedeng ipadala ng opisina, mag-networking sa mga bagong makikilala, mag-aral kung may pagkakataon at sumali sa mga puedeng passion projects kung saan magagawa mo ang iyong mga interest na puede mong pakinabangan later. Ang mas maraming kaalaman, mas flexible at adaptable sa iba’t ibang ihip ng hangin.
A- yusin mo ang resume mo, mag-post sa LinkedIn o sa mga job sites at mag-email o tumawag sa network mo na puedeng tumulong sa iyo. Huwag mahiyang humingi ng tulong. Kailangan ding malaman ng kaibigan, kakilala, o ka-network mo na available ka sa mga posibilidad at kayang gawin. Sıla rin mismo ang mag-uugnay o magko-konek sa iyo sa mga oportunidad.
O, Juan, handa ka ba sa kahit ano mang pagbabago?