30.1 C
Manila
Linggo, Nobyembre 10, 2024

Upgrade sa mga sports facilities sa bansa, isinusulong ni Sen Bong Go

- Advertisement -
- Advertisement -
BINIGYANG-DIIN ni Senator Bong Go, Chairperson ng Senate Committee on Sports at on Youth, ang importansiya ng pagkakaroon ng improved na sports facilities sa bansa na makakatulong para magkaroon ng proper training environment, equipment, nutrition, at mental support ang mga atleta para sila ay magtagumpay.
Sa naganap na budget hearing ng Philippine Sports Commission (PSC) at Games and Amusements Board (GAB), nitong Lunes, October 7, ipinahayag ni PSC Chairman Richard Bachmann na mayroon pang mga unreleased na pondo para sa pagpapagawa at pag-rehabilitate ng locally funded projects, katulad na lamang ng research, seminars, at infrastructure development, kabilang ang para sa gym equipment ng Rizal Memorial Sports Complex at PhilSports.
Ikinabahala ni Senator Bong Go ang delay sa mga proyekto, dahil imbis na makinabang ang mga atleta, natutulog ang pondo para sa kanilang kapakanan. Nanawagan siya sa mga concerned agency na tulungan ang PSC para mapabilis ang pagkumpleto ng mga pasilidad para sa ating mga atleta.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -