28.5 C
Manila
Linggo, Hunyo 15, 2025

PBBM hinimok ang mga estudyanteng atleta na panatilihin ang balanse sa pagsasanay at edukasyon

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suporta sa ating mga kabataang atleta sa pamamagitan ng training facilities, scholarships, health programs, at sports science support, upang sila’y maihanda sa mga kompetisyon gaya ng Asian Games at Olympics.

Sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2025 sa Ferdinand E. Marcos Stadium sa Laoag, Ilocos Norte, tiniyak ng Pangulo na ang pamahalaan ay laging nasa likod ng mga atleta. Kinilala niya rin ang mahalagang papel ng mga pamilya, guro, at coach ng mga atleta sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

“Ngayong araw, dito sa Palarong Pambansa kayo naman ang kasali. Sa susunod, kayo na ang kinatawan ng Pilipinas,” sabi ni Pangulong Marcos sa kanyang speech.


Hinimok ni Pangulong Marcos ang mga estudyanteng atleta na panatilihin ang balanse sa pagitan ng pagsasanay at edukasyon, at ipinaalala sa kanila na ang pagiging disiplinadong estudyante at responsableng indibidwal ay mahalaga sa pagiging tunay na mga kampeon.

“Mag-training araw-araw, mag-aral nang mabuti, sumunod kayo sa inyong mga magulang, at alagaan ninyo ang inyong kalusugan,” paalala ng Pangulo.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -