27.6 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Pacquiao, simbolo ng sipag, disiplina, pananampalataya at tagumpay na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat Pilipino

- Advertisement -
- Advertisement -

ISANG mahalagang bahagi ng kasaysayan, inspirasyon, at legasiya para sa mga Pilipino ang sinisimbolo ng mga memorabilia ni Manny Pacquiao na pormal na itinurn-over sa Philippine Sports Museum nitong Martes, Pebrero 24, 2026.

Mga larawan mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office

“Hindi lang siya champion sa boxing. He is a champion of humanity. He is a champion as a Filipino. He is a champion as a man. And he is a champion in all our hearts and he will always be our champion,” sabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtanggap ng mga sagisag ng tagumpay mula sa People’s Champ, kabilang ang competition shorts na ginamit sa kanyang makasaysayang laban at isang WBC championship belt na kumakatawan sa kanyang pambihirang karera at sa pangmatagalang ambag niya sa dangal at pagkakakilanlan ng bansa.

“And we can say that sa buong kasaysayan ng Pilipinas, there was never a time when we were more proud to be Filipino than when Manny was winning all those fights… But hindi lang kasi napakagaling niya, never niya kinalimutan ang pagka-Pinoy niya,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa paglalagak ng mga ito sa museo, lalo pang pinagtitibay ang kanyang impluwensiya sa kabataang Pilipino at sa mga susunod na henerasyon ng atleta, bilang paalala na ang pagsisikap at determinasyon ay kayang maghatid ng tagumpay hindi lamang para sa sarili kundi para sa buong sambayanan.

“Saan ka naman nakakita ng atletang Pilipino na pagka may laban, ‘yung putukan sa Mindanao nagsi-ceasefire muna para manood sila kay Manny Pacquiao? Where did you ever hear of such a thing?,” ayon sa Pangulo.

Pinuri rin ng Pangulo ang pagiging mababang-loob ni Manny.

“You cannot find a more humble, a more devoted, and God-fearing person than Manny Pacquiao,” ayon sa Pangulo.

Matulungin din siya lalo na sa mga kagaya niyang atleta, sabi ng Pangulo.

“But there is a side also to Manny that maybe most people do not know about. I remember when we went for dinner during the award sa Elorde at pinuntahan namin at lumabas lahat ng mga boksingero na wala na silang hanap-buhay at ‘yung iba, tinamaan na, nagkasakit, nagkaramdaman. Lahat ‘yun tinulungan ni Manny,” sabi ng Pangulo.

“Hindi niya sinasabi kahit na kanino. Kung hindi nila in-announce doon sa programa na ‘yun, nobody would know about it. Ganyan ang ugali, ganyan ang pagkatao ng ating Manny Pacquiao.”

May dalawang laban si Pacquiao ngayong taon, kasama ang kanyang September rematch kay Floyd Mayweather Jr. sa Sphere sa Las Vegas. Halaw sa ulat ng Presidential News Desk

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -