26.4 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 22, 2026

Titis ng pag-apoy ng karagatan 

ULTIMONG BIGWAS 

- Advertisement -
- Advertisement -

NOONG una, laser beaming, pinatamaan di-umano ng China Coast Guard (CCG) ng laser beam ang mga tripulante ng Philippine Coast Guard (PCG), na pansamantalang ikinabulag ng huli. 

Sumunod ang panganganyon ng CCG ng tubig sa PCG at pisikal na pagbangga na ng barko ng CCG sa lantsang pang-resupply ng PCG sa nakabalahurang MV Sierra Madre sa Ayungin Shoal. 

Sa huling insidenteng nabanggit, naputulan di-umano ng daliri ang isang tripulante ng PCG. 

Sa pagsisimula ng panunungkulan ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan, lumitaw na nagkaroon siya ng unawaan kay Department of Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro na ipagpatuloy ang legasiya ni Dating Ambassador Huang Xilian na “future oriented diplomacy.” Nagbunga iyun ng paghupa ng tensyon sa South China Sea. 

Kung bakit sa kasalukuyang panahon, kumbaga sa posporo, isang kiskis lang, siklab agad  ang apoy.  


Isang video na ipinost ng China Daily sa Facebook ang nakapag-bigay katwiran kay Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. upang muling pagpaapuyin nang malakas ang galit kontra-Chino. Ayon kay Gibo, inilalarawan ng video ang mga Pilipino bilang mga unggoy. 

Napanood ko ang video. Ni katiting ay walang nagsasabi na ang karikatura ng unggoy ay tumutukoy sa mga Pilipino. 

Si Gibo lamang at konting kawan ng mga pro-Amerikano ang nagsasabing ganun nga. At sa pamamagitan ng malawak na propaganda sa media ay naipagdiinan na ang video ay tumatawag sa mga Pilipino na unggoy at totoong kasuklam-suklam. 

Mangyari pa, sa sukatan ng pamamahayag, ang pinagtatalunang video ay maipagtatanggol bilang bahagi ng freedom of expression. Ang mga karikatura sa video, tulad nga ng unggoy (na hindi pinangalanan) at ng mga kamay na tiyak na kinilalang mga Amerika at Japan, ay dapat na tingnan mula sa punto de vista ng pamamahayag. Kung may kokontra o masasaktan, bahagi iyun ng kabuuang mundo ng  press freedom. 

- Advertisement -

Magkaganunman, tumanggi ang China na humingi ng despensa kaugnay ng video. Ayon sa isang tagapagsalita, ang video ay hindi gawa ng gobyerno ng China. 

Subalit ipinagpipilitan nga ng mga alipures ng Amerika sa Pilipinas sa pangunguna ni Gibo na gawa iyun ng China. 

Malinaw ang intensyon na ipasademonyo ang China sa bawat pagkakataon. 

Nandito tayo ngayon sa bagong napabalitang di-umano panghahampas ng pamalo ng CCG sa mga tauhan ng PCG sa Second Thomas Shoal o Ayungin Shoal. 

Sa pananaliksik ng kolum na ito, kalahating totoo ang balita.  

Totoo na hinampas ng pamalo ng CCG ang PCG, subalit bilang ganti sa nauna nang pamamalo ng mga tripulante ng PCG sa mga tauhan ng CCG. 

- Advertisement -

Sa isang pahayag ng Deputy Spokesperson ng Chinese Embassy sa Pilipinas na si Guo Wei, sinabi niya na “hindi ka maaaring magsimula ng gulo at pagkatapos ay magkukunwari kang biktima.” 

Hindi na pahabain pa ng kolum na ito ang usapan. Mapalad na nagkaroon tayo ng kopya ng video tungkol sa pangyayari. Hayaang ito ang magpatunay sa kung ano ang totoo at pawang katotohanan lamang.  

I-click ang link sa ibaba. 

https://www.facebook.com/share/v/17E9LFJw2P/  

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -