26.1 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

80 turista sakay ng cruise ship mula Australia, dumating sa Marinduque

- Advertisement -
- Advertisement -

DUMAONG sa Port of Cawit sa bayan ng Boac ang Coral Geographer Expedition Cruise Ship mula sa bansang Australia lulan ang 80 Australianong turista upang bisitahin ang mga tourist spots sa lalawigan ng Marinduque noong Nobyembre 9.

Sinalubong ni Provincial Tourism Officer Jose Rino Labay at kanyang mga kawani sa nasabing pantalan ang mga turista upang dalhin sa mga lugar tulad ng pamilihang bayan ng Boac, National Museum, Boac Cathedral at sa pagawaan ng mga maskara ng Morion sa bayan ng Mogpog.

“Layunin nila ng pagbisita ay upang maranasan ang mga kinaugalian, tradisyon at kultura ng mga tao partikular sa Marinduque, gayundin ang kanilang pamumuhay at maranasan ang magandang pakikitungo ng mga lokal na mamayan,” sabi ni Labay.

Sa panayam ng PIA Marinduque sa turista na si Alan Teakle, sila ay nagmula pa sa Maynila at kanilang pinupuntahan ang mga isla sa bansa upang makita at maranasan ang iba’t ibang tradisyon at kultura ng mga Pilipino gayundin ang pagiging magalang at mabuti sa ibang tao.

“We’re making our way to the islands and it’s a beautiful time of the year and the people here are wonderful. Hospitality here is very touching,” saad ni Teakle.

Ang nasabing grupo ay dumaong muna sa Oriental Mindoro bago tumuloy patungong Marinduque at pagkatapos ay maglalayag patungong Culion sa Palawan. (DN/PIA MIMAROPA-Marinduque)

Kuhang larawan: Marinduque Provincial Tourism and Cultural Office

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -