25.5 C
Manila
Huwebes, Hulyo 10, 2025

Sen Pia Cayetano: Pagtanggal ng Philhealth subsidy, labag sa mga batas sa sin tax

- Advertisement -
- Advertisement -

MARIING  tinutulan ni Senador Pia Cayetano, senior vice-chairperson ng Senate Finance Committee, ang desisyon ng bicameral conference committee na tanggalin ang subsidiya ng gobyerno sa PhilHealth para sa taong 2025. Ayon sa kanya, ang hakbang na ito ay direktang sumasalungat sa umiiral na mga batas sa sin tax at banta sa pagpapatuloy ng benepisyo ng PhilHealth para sa mga indirect contributors nito.

Senator Pia Cayetano Larawan mula sa Senate of the Philippines

Binigyang-diin ni Sen. Cayetano na ang desisyong ito ay lumalabag sa Section 288-A ng National Internal Revenue Code. Sa ilalim ng probisyong ito, na inamyendahan ng Sin Tax Reform Acts ng 2012 at 2019, 80% ng revenue mula sa tax sa mga produktong tabako at sugar-sweetened beverages ay dapat ilaan sa PhilHealth upang pondohan ang Universal Health Care Act.

“PhilHealth’s accumulation of excess funds is an equally important issue, but it should be addressed separately,” ani Cayetano. “The fact remains that our sin tax laws require that earmarked revenues should be allocated directly to PhilHealth.”

Bilang tagapagsulong ng mga Sin Tax laws, layunin ni Sen. Cayetano na mabawasan ang bisyo sa bansa habang lumilikom ng pondo para sa serbisyong pangkalusugan ng mga Pilipino.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -