26.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 15, 2025

๐๐‚๐”๐,ย ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ ๐ขย ๐ง๐ ย ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐š๐งย ๐ฌ๐šย ๐ฆ๐ ๐šย ๐๐–๐ƒย ๐ฌ๐šย ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ย ๐ง๐ ย ๐ƒ๐Ž๐‹๐„ ย 

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAGUMPAY na isinagawa ng Presidential Commission forย  the Urban Poor (PCUP) ang pormal na paggawad ng livelihood opportunity para sa mga piling benepisyaryo mula sa San Mateo Federation of Persons with Disability Inc. nito lamang ika-14 ng Enero 2025. Ang aktibidad ay nagbigay ng pagkakataon sa mga benepisyaryo na magsimula ng kanilang negosyo at mapalago ang kanilang kabuhayan, sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) Calabarzon.

Pinangunahan ng PCUP Office of the Chairperson – Special Concerns Unit, sa pamumuno ni Rosemarie Makimkim, at kasama si PCUP Commissioner Atty. Andre Niccolo Tayag, ang nasabing aktibidad. Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng makinang pantahi at iba pang mga kagamitan upang simulan at pagyamanin ang kanilang mga negosyo.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng PCUP upang mapabuti ang kalagayan ng mga komunidad na may mga espesyal na pangangailangan at magsulong ng mga pagkakataon para sa mas maginhawang kabuhayan para sa mga persons with disability (PWD). Sa pamamagitan ng mga proyektong tulad nito, layunin ng PCUP na makapagbigay ng pagkakataon para sa mga marginalized na sektor na magtagumpay at magkaroon ng mas maayos na kinabukasan.

Ang partnership ng PCUP at DOLE ay isang hakbang patungo sa pagpapalakas ng kabuhayan hindi lamang sa PWD maging ang iba pang sektor ng lipunan upang matulungan silang maging mas produktibo at independent sa kanilang komunidad.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -