32.7 C
Manila
Linggo, Mayo 4, 2025

PNP nangunguna sa paglaban sa fake news

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG bahagi ng layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang digitally responsible at ligtas na bansa, inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang “The War for Truth: A Consultative Forum at ang Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC)” noong Mayo 2, 2025, sa PNP Multi-Purpose Center, Camp Crame, Quezon City.

Ang forum ay dinaluhan ng mga eksperto sa komunikasyon, cybercrime investigators, at mga miyembro ng media upang talakayin ang mga banta ng maling impormasyon at fake news. Kasama sa mga nagsalita sa event sina Secretary Jay Ruiz ng Presidential Communications Office, Commodore Jay Tristan Tariela ng Philippine Coast Guard, veteranong mamamahayag na si Dave M. Veridiano, at Deputy Executive Director Mary Rose Magsaysay ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Kasama sa kaganapan ang pormal na paglunsad ng Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC) ng PNP— na layuning sugpuin ang maling impormasyon na nagdudulot ng pinsala sa mga institusyon at kaligtasan ng bansa. Pinamumunuan ang komite ni PLTGEN Robert Rodriguez, Deputy Chief PNP for Operations, Vice Chairperson PBGEN Marvin Joe Saro, at binubuo ng mga pangunahing unit mula sa PNP tulad ng Anti-Cybercrime Group (ACG), Directorate for Operations, Directorate for Intelligence, Information Technology Management Service (ITMS), Office of the Chief PNP (OCPNP), Legal Service (LS), at Police Community Affairs and Development Group (PCADG).

Sa kanyang mensahe, sinabi ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na mahalaga ang pagtutok sa mga digital na kasinungalingan. “Hindi lang tayo nakaharap sa misinformation. Ngayon, may tatlong uri ng kasinungalingan—malinformation, disinformation, at misinformation—na may malalim na epekto sa ating bansa,” aniya. “Hindi ito mga simpleng pagkakamali; ito ay mga hakbang na ginawa para linlangin at paghiwalayin tayo.”

Pinagtibay ni General Marbil ang pangako ng PNP na protektahan ang katotohanan—hindi sa pamamagitan ng pagsupil sa kalayaan ng pagpapahayag, kundi sa pagprotekta nito laban sa maling impormasyon. “Hindi natin pinipigilan ang kalayaan sa pagsasalita. Pinoprotektahan natin ito mula sa mga kasinungalingan,” dagdag pa niya.

Inihayag ni General Marbil ang buong suporta sa JAFNAC, na inilalarawan nya bilang isang tawag sa tungkulin at isang hakbang upang protektahan ang demokrasya, tiwala ng publiko, at pambansang kapayapaan. Nilinaw niya na ang inisyatiba ay hindi para labanan ang kalayaan sa pagpapahayag kundi ay para labanan ang maling impormasyon. “Ang karapatan na magsalita ay hindi katumbas ng karapatang magtago ng katotohanan,” ani Marbil.

Nanawagan siya sa lahat ng stakeholders na maging tagapagtanggol ng katotohanan at responsable sa komunikasyon: “Ang laban na ito ay kailangan nating harapin—at pagtagumpayan—hindi gamit ang armas, kundi ang pagiging mapagmatyag, may pananagutan at pagkakaisa. Dahil sa pagtatanggol sa katotohanan, ipinaglalaban natin ang tama. Sa pagprotekta sa katotohanan, pinoprotektahan natin ang ating mga kababayan.”

Ang PNP ay patuloy na magsusulong ng katotohanan at responsableng paggamit ng digital na teknolohiya, alinsunod sa layunin ng Pangulo na magkaroon ng mas ligtas at mas maalam na bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -