29.2 C
Manila
Huwebes, Mayo 8, 2025

Mga guro sa Cordillera, handa na sa halalan ayon sa Comelec

- Advertisement -
- Advertisement -

SINIGURO ng Commission on Elections (Comelec) na handa na ang mga guro na magsisilbing electoral boards (EBs) sa darating na May 12 National and Local Elections.

Ayon kay Comelec-Cordillera  Regional Director Julius Torres, nakapagsagawa na sila ng training para sa mga guro na makikibahagi sa halalan.

Aniya, nagsagawa na rin sila ng refresher training para sa mga guro upang hindi nila malimutan ang kanilang mga natutunan sa pagsasanay na una nang isinagawa para sa mga ito.

“I believe na handa na rin ang mga teachers natin na magpa-election sa May 12,” ani Torres sa panayam ng isang local radio station.

Umaasa naman si Torres na wala sa mga guro sa lalawigan ng Abra ang mag-backout sa pagiging EBs.

Gayunman, siniguro nito na nakahanda ang Comelec maging ang mga pulis na humalili sakaling may umatras na EB sa mga guro sa lalawigan. Nasa 170 na pulis sa Abra ang sumailalim na sa pagsasanay.

“Na-certify sila ng DOST na puwedeng magsilbi sa election if kailanganin ang kanilang serbisyo. In case magkaroon naman po ng problema ay nakahanda naman po ang ating kapulisan na humalili in case na kailangan po ang kanilang serbisyo,” saad ni Torres.

Tiniyak din aniya ng Police Regional Office Cordillera ang seguridad ng mga guro na magsisilbing EBs sa eleksyon.

Samantala, nilinaw din ng opisyal na mali ang mga kumakalat na impormasyon na kailangan ng national ID or voter’s ID bago makaboto.

Giit ni Torres, naituro sa mga EBs na tatanungin lamang nila ang ID kapag ang pagkakakilanlan ng botante ay kwestionable.

“Hindi po tama na [kailangan ang] national ID o Comelec ID. Makakaboto po kayo basta ma-establish ang [inyong] identity,” paglilinaw ni Torres. (DEG-PIA CAR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -