26.7 C
Manila
Martes, Mayo 20, 2025

Mga nanalong party-list group ipinroklama; 2 sinuspinde ang proklamasyon

- Advertisement -
- Advertisement -

MAY kabuuang 54 mula sa 155 party-list groups na lumahok sa 2025 midterm elections ang nanalo at ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec). Samantala, sinuspinde ang proklamasyon ng dalawang nanalong party-list groups na Duterte Youth at Bagong Henerasyon dahil sa mga pending na petisyon laban sa dalawang grupo. Naganap ang proklamasyon ng mga nanalong grupo sa Manila Hotel Tent City kahapon, Mayo 19, 2025, Lunes.

Ipinroklama ng Commission on Elections ang mga nanalong party-list nitong Mayo 19, 2025, sa Manila Hotel Tent City. Larawan kuha ni J. GERARD SEGUIA/TMT

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia: “In its recommendation dated May 17, 2025, the supervisory committee has recommended the suspension of the proclamation of Duterte Youth Partylist and BH Bagong Henerasyon.”

Dagdag pa niya, “Considering the serious allegations raised in the above petitions which involved grave violation of election laws, the National Board of Canvassers resolves to suspend the proclamation of Duterte Youth Party-list and Bagong Henerasyon Party-lists until the speedy and judicious resolution of the petitions filed before the Clerk of Commission,”

Samantala, batay sa inilabas na National Certificate of Canvass (NCOC) ng NBOC, ang nangungunang party-list groups ay ang Akbayan na may 2,779,621 na sinundan ng Duterte Youth na may 2,338,564; at Tingog, na may 1,822,708.

Nakakuha ng 3 seats ang Akbayan, Duterte Youth at Tingog. Batay sa final computation ng NBOC, sinabi ni Garcia na ang mga party-list group na nasa una, pangalawa at pangatlo ay magkakaroon ng tig-tatlong puwesto sa Kongreso. Ang mga party-list na nasa ikaapat, ikalima at ikaanim ay magkakaroon ng tig-dalawang upuan, habang ang iba ay may isang upuan.


Ang mga party-list na nakakuha ng 2 seats ay ang 4Ps  (1,469,571), ACT-CIS (1,239,930), at Ako Bicol (1,073,119).

Ang mga party-list na nakakuha ng 2 seats ay ang Uswag Ilonggo (777,754), Solid North (765,322), Trabaho (709,283), Cibac (593,911), Malasakit@Bayanihan (580,100), Senior Citizens (577,753), PPP (575,762), ML (547,949), FPJ Panday Bayanihan (538,003), United Senior Citizens (533,913), 4K ( 521,592), LPGMA (517,833), Coop-Natcco (509,913), Ako Bisaya (477796), CWS (477,517), Pinoy Workers ( 475,985 ), AGAP (489, 412), Asenso Pinoy (423,133), Agimat (420, 813), TGP (407,922), Sagip (405,297), Alona (393,684), 1-Rider Partylist (385,700), Kamanggagawa (382,657), GP (Galing sa Puso 381,880), Kamalayan (381,437), Bicol Saro ( 366, 177), Kusug Tausug (365,916), ACT-Teachers (353,631), One Coop (334,098), KM Ngayon Na ( 324,405), Abamin (320, 349), BH (Bagong Henerasyon – 319,603), TUCP ( 314, 814 ), Kabataan (312,344), APEC (310,427), Magbubukid (310, 289), 1Tahanan (309,761), Ako Ilocano Ako ( 301,406 ), Manila Teachers (301,291 ), Nanay (293,430), Kapuso PM (293,146), SSS-GSIS Pensyonado (290,359), Dumper PTDA (279, 532), Abang Lingkod (274,735), Pusong Pinoy (266.623), Swerte (261, 379), at PHILRECA (261, 045).

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -