28.5 C
Manila
Linggo, Hunyo 15, 2025

Alinsunod sa direktiba ni PBBM, DBM Sec Pangandaman, inaprubahan ang 16,00 bagong teaching positions para sa 2025

- Advertisement -
- Advertisement -

INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang paglikha ng 16,000 na bagong teaching positions sa public schools para sa School Year 2025-2026, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na palakasin ang sektor ng edukasyon at siguruhin ang sapat na manpower sa mga pampublikong paaralan.

Ang 16,000 na bagong teaching positions ay bahagi ng first tranche ng 20,000 positions na target na likhain ngayong taon.

“The DBM’s approval of the 16,000 new teaching positions is in adherence to our President’s directive to strengthen our country’s education system. This move is also in support of the Department of Education’s efforts to boost the teaching workforce across Kindergarten, Elementary, Junior High School, Senior High School, and the Alternative Learning System,” pahayag ni DBM Secretary Mina Pangandaman.

Kasama sa mga inaprubahang position ang mga sumusunod:

-15,343 Teacher I posts (Salary Grade 11)

-157 Special Science Teachers (Salary Grade 13)

-500 Special Education (SPED) Teachers (Salary Grade 14)

Para sa karagdagang flexibility, lilikhain ang Senior High School teaching positions sa division level, na magbibigay-daan sa mga School Division Superintendent na ilipat o italaga sila sa kung saan sila pinaka-kailangan. Makatutulong ang arrangement na ito, na inaprubahan ng DBM noong 2016, na maiwasan ang duplication o pag-uulit at tiyakin ang mahusay na deployment ng mga guro.

“Suportado po ng DBM ang pagbibigay-prayoridad ng gobyerno sa kapakanan ng ating mga guro. Gusto po nating siguraduhin na bawat bata ay may teacher na tututok at handang tumulong sa kanilang pag-aaral. Seryoso po tayo sa hangaring mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa bansa,” ani Secretary Pangandaman.

Ang P4.194 bilyong kinakailangan upang pondohan ang mga bagong item ay manggagaling sa built-in appropriations ng DepEd sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, na partikular na nakalaan para sa hiring ng mga bagong school personnel.

Sa ilalim ng mga kasalukuyang umiiral na polisiya at alinsunod sa election ban mula March 28 hanggang May 11, 2025, ang release ng appointments at Notices of Organization, Staffing, and Compensation Action (NOSCA) ay magiging epektibo lamang pagkatapos ng election period.

Mahigpit na makikipag-ugnayan ang mga regional office ng DBM sa DepEd para sa pagpalalabas ng mga NOSCA at mga pondo, na sakop lamang ang mga teaching positions na napunan na.

Para sa SY 2024-2025, higit 27.012 milyong estudyante ang nag-enroll sa elementary at high school sa buong bansa, ayon sa DepEd. Kasama sa bilang na ito ang mga estudyante mula sa pampubliko at pribadong paaralan, at sa Alternative Learning System.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -