28.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Pisay isko, namayagpag sa 15th ASEAN+3 Gifted in Science Camp sa South Korea

- Advertisement -
- Advertisement -

ni Rosemarie C. Señora, DOST-STII

MULING pinatunayan ng mga mag-aaral mula sa DOST-Philippine Science High School (PSHS) System ang kahusayan ng bansa sa edukasyong pang-agham matapos silang magwagi sa iba’t ibang kategorya sa katatapos lamang na 15th Asean+3 Gifted in Science Student Camp na ginanap sa Seoul, South Korea noong ika-6 hanggang 9 ng Enero 2026.

Ang delegasyon ng Pilipinas sa katatapos lamang na 15th Asean+3 Gifted in Science Student Camp sa Seoul, South Korea. (Larawan mula sa PSHS Facebook page)

Ang Asean+3 Student Camp ay naglalayong pasiglahin ang kolaborasyon sa pagitan ng mga batang siyentipiko sa larangan ng Pisika, Kimika, Biyolohiya, palakasin ang global science learning exchanges, at hikayatin ang cross-cultural understanding.

Ang delegasyon ng Pilipinas ay binubuo ng mga iskolar mula sa PSHS-Central Visayas Campus (CVisC), PSHS-Northern Mindanao Campus (NMC), at PSHS-Central Luzon Campus (CLC). Dahil sa kanilang angking galing, bawat pangunahing kategorya ng parangal ay kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Pisay.

Narito ang mga mag-aaral na nagkamit ng parangal sa kompetisyon:

  • Grand Prize [Korea Ministry of Science and Technology]: Wenrey Ezekiel; Padayhag Selim (Team RED Team 2);
  • Grand Prize [ASEAN]: Hjermione John Llanos Navarette (Team BLUE Team 1);
  • Gold Prize: Liam Casey Azucena Opulento (Team GREEN Team 4);
  • Silver Prize: Samantha Genelle Mutia Paran (Team INDIGO Team 1);
  • Bronze Prize: Ainslee Gabriel Dela Cruz Velasquez (Team YELLOW Team 2);
  • Outstanding Student Award: Bob Rowen Labagday Monzales, Hjermione John
  •   Llanos Navarette, at Darren Andrei Alvarez Sungahid; at
  • Exemplary Pre-Camp Activities Award: Liam Casey Azucena Opulento

Kasama rin sa mga lumahok at nagrepresenta sa bansa sina Eianne Athena Cadiente ng PSHS-CLC at Jefferson Niño Bayotlang ng PSHS-CVisC.

Bukod sa kampo para sa mga estudyante, naging aktibo rin ang mga guro, kawani, at campus director ng PSHS sa 17th Asean+3 Gifted in Science Teacher Workshop upang makibahagi sa mga diskusyon sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon para sa mga gifted students sa rehiyon.

“Lubos kaming nalulugod sa ating mga iskolar ng Pisay na tumayo sa internasyonal na entablado ng 15th Asean+3 Gifted in Science Student Camp at nagbigay ng karangalan sa Pilipinas,” ani DOST-PSHSS Executive Director Dr. Ronnalee Orteza.

Dagdag niya, magsilbi umanong paalala ito ng kahalagahan ng pamumuhunan sa mga batang siyentipikong Pilipino at sa de-kalidad na edukasyong pang-agham para sa kinabukasan ng bansa. (Impormasyon mula sa Philippine Science High School System FB)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -