PINASINAYAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Dagupan City ang Region 1 Medical Center Cancer Institute na may state-of-the-art facilities para sa mga serbisyo gaya ng radiotherapy, chemotherapy, nuclear medicine, brachytherapy, at palliative care.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PBBM ang patuloy na pagpapalakas ng ating healthcare system sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga DOH Specialty Centers, pagpapalawak ng Cancer Assistance Fund, at pagtatatag ng 24/7 BUCAS Centers.