LALAKAS pa ang produksyon ng palay sa Pangasinan at karatig-lalawigan sa tulong ng itinatayong Paitan Dam at mga makinarya, farm inputs, at solar-powered irrigation projects na nai-turnover sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa Sta. Maria, Pangasinan, ibinahagi ni PBBM na layong patubigan ng LARIS Paitan Dam ang higit 12,000 ektarya ng sakahan sa Eastern Pangasinan, Tarlac, at Nueva Ecija. Nanawagan din siya na matapos ito bago mag-2027.