MAKABULUHANG naisulong ang pagiging ingklusibo sa pinaka-abalang paliparan sa bansa, sa malugod na pagtanggap ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman sa pangako nina San Miguel Corporation Chairman at Chief Executive Officer Ramon Ang at Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na magtayo ng Muslim prayer room sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
“Thank you, RSA and Sec. Vince, for your openness, compassion, and support in making our airports more inclusive and respectful of all faiths. Yan ang liderato ng Bagong Pilipinas,” ayon kay Secretary Mina sa social media.
Ipinarating ng Kalihim ang mensahe matapos mapansin sa isa sa kanyang madaling araw na flight na, bagamat may espasyo para sa Muslim prayers sa NAIA Terminal 2 arrival area, kulang ng dedicated prayer room ang departure area.Pinoy
“In a recent early morning flight, I witnessed something truly touching at the departure area of NAIA Terminal 2—I found some of our Muslim brothers and sisters quietly offering Fajr prayers. I later learned that while there’s space at the arrival area, the departure section still doesn’t have a dedicated Muslim prayer room. Upon gently raising the concern, Mr. Ramon S. Ang and Secretary Vince Dizon were quick to commit that they will be working on it,” ayon sa kanya.
Ang itatatag na prayer room ay magbibigay ng tahimik na espasyo para sa kapayapaan, dignidad, at pagninilay, na partikular na mahalaga para sa Muslim community sa bansa, kabilang ang milyun-milyong mula sa Mindanao at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na marami sa kanila ay regular na naglalakbay sa NAIA para sa trabaho, pilgrimage, o pag-aaral.
Isang proud Maranao, si Secretary Pangandaman ang unang babaeng Muslim na nanungkulan bilang Budget Secretary sa Pilipinas. Patuloy niyang isinusulong ang pagiging ingklusibo at representasyon sa government spaces, mga prinsipyong malalim na nakaugat sa kanyang paglilingkod bilang co-chairperson ng Bangsamoro Government Intergovernmental Relations Body (IGRB). Sa pamamagitan ng IGRB, malapit siyang nakikipag-ugnayan sa mga lider ng national at Bangsamoro government upang palakasin ang awtonomiya, itaguyod ang cultural rights, at tiyakin ang makabuluhang pag-unlad sa buong Mindanao.
Ang inisyatibang ito ay umaayon din sa mga pagpapahalaga ng Bagong Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. — isang gobyernong tumutugon, gumagalang, at kumakatawan sa lahat ng Pilipino anuman ang rehiyon o relihiyon.
Nananatiling matatag si Secretary Mina Pangandaman sa kanyang pangako na maging boses para sa Mindanao at para sa kanyang mga kapatid na Muslim – sa pamamagitan ng pagtitiyak na walang komunidad ang maiiwan sa paglalakbay tungo sa ingklusibong pamamahala.