28.7 C
Manila
Martes, Hulyo 1, 2025

Cayetano: Hurisdiksyon ang unang dapat ayusin sa kaso ni VP Sara

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIGYANG-DIIN ni Senator Alan Peter Cayetano na kailangang malinaw muna kung may hurisdiksyon ang Senado sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte bago ito ituloy.

Babala niya, kapag pinilit ito nang hindi malinaw ang basehan, posibleng umabot sa Korte Suprema at magkaroon ng isyu sa Saligang Batas.

“Ang uunahin mo parati ay jurisdiction. So, kahit saang korte, bago mo ipalatag ang ebidensya, titingnan mo muna kung may jurisdiction ba ang korte o wala,” paliwanag ni Cayetano sa isang panayam nitong June 26, 2025 sa City of Taguig.

Sinang-ayunan din niya ang desisyon ng Senado na ibalik muna sa Kamara ang articles of impeachment kaysa agad na ibasura ito.

“We really have to take a deep breath and think what’s best for the country. And that’s precisely why we agreed, and I moved y’ung suggestion na ibalik muna — whether  we call it remand, return, or ibalik muna — sa  House, because ang magiging botohan sana noong araw na iyon is to dismiss [the impeachment case],” wika niya.

Isa sa mga malaking tanong, ayon kay Cayetano, ay kung nalabag ba ang one-year rule sa impeachment dahil sa tatlong complaint na inihain na hindi umano ginalaw ng Kamara.

“Ang hindi klaro kasi in this case, hindi nila pinagalaw y’ung tatlong complaints. So, ang question, did they violate their own rules?” wika niya.

“Ang kailangan namin ay facts from the House kung ano’ng nangyari sa tatlong ‘yon? Gumalaw ba ‘yan? Tapos anong nangyari sa pang-apat?” dagdag niya.

Ayon sa senador, magkakaiba ang pananaw ng mga mambabatas at legal experts, lalo na’t may 12 bagong senador sa 20th Congress. Sa kabila nito, naniniwala siyang sa huli, ang Korte Suprema ang magpapasya sa usaping ito.

“The big issue talaga is the jurisdiction. And the more we talk about it, the more convinced I am na ang magde-decide niyan ay ang Supreme Court,” wika niya.

Nagbabala rin si Cayetano na hindi puwedeng unahin agad ang ebidensya kung hindi pa malinaw kung may hurisdiksyon ang Senado para talakayin ang kaso.

“I can only assure the public na aabot tayo sa ebidensya if the whole impeachment court says na wala itong fatal constitutional defect that takes out jurisdiction from the court,” wika niya.

Sa huli, iginiit ng senador na kailangang gampanan ng Senado ang trabaho nito nang patas at tapat.

“Lawyers will be lawyers, prosecutors will be prosecutors, defendants will be defendants. Ang question lang, paano natin gagawin faithfully ang trabaho natin? Paano magkaroon ng tunay na hustisya?” wika niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -