26.8 C
Manila
Linggo, Hulyo 13, 2025

Cayetano, muling isinusulong ang mas maayos na state support para sa mga batang ulila

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING isinusulong ni Senator Alan Peter Cayetano ang panukalang batas na magtatatag ng national care system at trust fund para sa mga batang ulila, inabandona, o pinabayaan.

Inihain ni Cayetano ang Senate Bill No. 106 o Trust Fund for the Abandoned, Neglected, or Voluntarily Committed Child nitong July 3, 2025 bilang bahagi ng kanyang 24 priority bills sa 20th Congress.

Taong 2010 pa nang sinimulang itulak ng senador ang panukalang ito, na may layuning tiyaking walang batang mapapabayaan habang umuunlad ang bansa.

“The Bible, in Psalm 82:3, reminds us of our shared responsibility to protect the vulnerable children: ‘Defend the weak and the fatherless; uphold the cause of the poor and the oppressed,'” pahayag ni Cayetano sa kanyang explanatory note.

Kapag naipasa ang panukala, aatasan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bumuo at magpatupad ng isang National Child Support and Care Program.

Sa ilalim ng programa, titiyaking may tirahan, pagkain, maayos na kalusugan, psychosocial support, at edukasyon ang mga kwalipikadong bata.

Kasama rin dito ang pagkakaroon ng isang Child Find System, tracing at reintegration ng mga miyembro ng pamilya, at training para sa mga social worker at caregiver.

Trust fund para sa mas maayos na kinabukasan

Isa sa mga pangunahing bahagi ng panukala ay ang pagtatatag ng trust fund para sa mga batang ulila, na pamamahalaan ng isang accredited trust entity.

Kada tatlong buwan, magdedeposito ang DSWD ng P15,000 para sa bawat bata. Pagtungtong ng bata sa 18 anyos, maaari na niya itong gamitin sa kanyang edukasyon, kabuhayan, o personal growth.

Kukunin ang pondo mula sa national budget, pribadong donasyon, at iba pang legal sources.

Ayon kay Cayetano, tungkulin ng gobyerno bilang parens patriae na pangalagaan ang mga batang hindi kayang ipagtanggol ang sarili, habang binibigyang-kakayahan din ang mga pamilya na alagaan at palakihin ang kanilang mga anak.

Tinatayang nasa lima hanggang pitong milyong bata sa bansa ang ulila, inabandona, o pinabayaan, ayon sa Philippines Without Orphans. Pero ayon sa Rohei Foundation, humigit-kumulang 237 lang ang naaampon kada taon.

“These children deserve what every child does: a safe, nurturing, and stable environment, the chance to live with dignity, and the opportunity to dream and contribute to nation-building for the future of our country,” pahayag ni Cayetano.

Sa deliberasyon ng 2025 budget ng DSWD noong nakaraang taon, hinimok na rin ni Cayetano ang ahensya na magbigay ng cash aid sa mga orphanage na may mga batang stunted, sa kondisyong pag-aaralin sila at regular na patitingnan sa doktor.

“Our vision for inclusive, equitable nation-building must include every child, especially those without families to rely on,” pahayag niya.

“Just as the government sustains programs like 4Ps, it must also invest in the future of these children,” dagdag niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -