“Ipagpapatuloy namin ang pagpapatibay, hindi lamang sa paramihan nitong Transport Vehicle, kung hindi pati na ang buong healthcare system natin,” hayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa turnover ng 387 Patient Transport Vehicles ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa pitong rehiyon ng Luzon nitong Hulyo 9, 2025.
Ibinahagi ito sa mga siyudad at munisipyo ng Regions I (Ilocos), II (Cagayan Valley), III (Central Luzon), IV-A (CALABARZON), IV-B (MIMAROPA), V (Bicol) at sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Ibinahagi rin ni PBBM ang mga hakbang ng pamahalaan para sa agaran, kalidad, at mas abot-kayang tulong medikal para sa lahat, kabilang ang modernisasyon ng mga pampublikong ospital, pagtatayo ng specialty centers, at pagpapalawak ng BUCAS centers.