NAPABILANG na sa Kalupunan ng Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sina Kom. Evelyn Oliquino, PhD, kinatawan ng Wikang Bikol at Kom. Ruth Tindaan, PhD, kinatawan ng mga Wika ng Pamayanang Kultural ng Hilagang Pilipinas.
Makasasáma sila nina Tagapangulong Arthur Casanova, PhD; Kom. Carmelita Abdurahman, EdD; Kom. Benjamin Mendillo Jr., PhD; Kom. Reggie Cruz, LPT, EdD, PhD; Kom. Melchor Orpilla, PhD; Kom. Hope Sabanpan Yu, PhD; at Kom. Christian Ton Nery Aguado, PhD; sa pagsusulong ng mandato ng KWF.
Ang Mandato ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Pilipinas. Ang Batas Republika Blg. 7104 ay ang batas na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino na nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito at para sa iba pang mga layunin.