PANAUHING pandangal si Vice President Sara Duterte sa sa 10TH Commencement Exercises sa Cebu Technological University Daanbantayan Campus–San Remigio Extension, San Remigio, Cebu. Narito ang kanyang pahayag.

“Ikinalulugod kong maimbitahan at masaksihan ang pagmartsa ng mga mag-aaral ng Cebu Technological University Daanbantayan Campus–San Remigio Extension sa Cebu Province sa kanilang 10th Commencement Exercises noong nakaraang linggo.

“Isa itong pagkakataon para sa atin na mapasalamatan ang bawat magulang sa kanilang mga naging sakripisyo at matibay na suporta upang makapagtapos ang kanilang mga anak, kahit pa sa gitna ng krisis. Kaya’t hinikayat ko ang mga nagsipagtapos na huwag kalimutang magpasalamat sa kanilang mga magulang at sa mga taong tumulong at sumuporta sa kanilang pag-aaral.

“Ibinahagi ko rin sa kanila ang apat na BE’s na palagi ko ring pinapaalala sa aking mga anak, at ito ang:
Be Kind
Be Humble
Be Happy
Be Careful
Sa bagong kabanata ng kanilang buhay, minarapat nating mag-iwan ng mga payong magtatawid sa kanila sa tamang landas, gayunman sa wastong pagpili ng mga nararapat na prayoridad para sa sarili at sa kanilang pamilya.
Muli, congratulations sa lahat ng mga nagsipagtapos. Mabuhay kayong lahat!

