26.3 C
Manila
Sabado, Hulyo 11, 2026

Nutrition Month: Pakikilahok ng LGUs sa pagsugpo sa malnutrisyon  isinusulong ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

SA gitna ng pagdiriwang ng National Nutrition Month, muling binigyang-diin ni Senate President Win Gatchalian ang kanyang panawagang paigtingin ang pagkilos ng mga local government units (LGUs) para tugunan ang pagtaas ng ‘stunting rates’, o pagkabansot dahil sa kakulangan ng nutrisyon, ng mga batang Pilipino.  

Naaayon ang panawagan ni Gatchalian sa Early Childhood Care and Development System Act (Republic Act No. 12199), na nagbibigay ng mandato sa mga LGUs na magpatupad ng ECCD programs and services, kabilang iyong mga may kinalaman sa nutrisyon ng mga bata. 

Gamit ang datos ng Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), pinuna ng Second Congressional Commission on Education (Edcom II) ang unang pagtaas ng stunting rate mula noong 2015.

Bumaba nang tuloy-tuloy ang stunting rate mula 33.4% noong 2015 hanggang sa umabot it sa 23.6% noong 2023. Gayunman, tumaas ito sa 25.3% noong 2025, mas mataas ng 1.7% mula sa naitala noong 2023. Ibig sabihin, halos isa sa apat na batang Pilipino na wala pang limang taong gulang ang tinaguriang stunted.


“Sa paglaban sa malnutrisyon, mahalaga ang papel ng ating mga komunidad, ang mga LGU, dahil sila ang pinakamalapit sa mga batang kailangang maabot at matulungan,” ani Gatchalian.

Naglaan ang 2026 national budget ng P25.6 billion para sa DepEd School-Based Feeding Program at P9.26 billion para sa DSWD Supplementary Feeding Program. 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -