28.7 C
Manila
Biyernes, Hulyo 17, 2026

Bam Aquino kinilala ang Team Encore sa makasaysayang panalo sa world esports championship

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG pagkilala sa tagumpay ng mga atletang Pilipino sa esports sa pandaigdigang entablado, naghain si Senador Bam Aquino ng isang resolusyon na nagbibigay-pugay sa Team Encore matapos nitong gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang kampeon ng Ragnarok Origin Classic (ROOC) Tyr Cup Grand Finals na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Sa Senate Resolution No. 518, binati at pinarangalan ni Aquino ang Team Encore matapos nitong dominahin ang Team Poek sa score na 4-0 sa championship match, na nagbigay sa koponan ng kauna-unahang Tyr Cup title.

Dahil sa tagumpay na ito, naiuwi rin ng koponan ang grand prize na $500,000, ang eksklusibong Champion’s Medal, at ang karangalang magsilbing Tyr Cup Honor Representatives.

Ang Team Encore ay binubuo nina Julius “BanoobsDR” Mariano, Johnmar “SUN33V” Villaluna, Awie Angelo “AfyGDPS” Reyes, Edward Joseph “Yamato” Raymundo, Angelo “DocxBR” Docosin, Joshua Dayne “WeeJOSHBR” Abrera, James Michael “Nasmi” Doron, Stephen Martin “WeeGetziiBR” Doron, Kyle Bernard “WeeYomiBR” Ante, at Michael Angelo “WeeFrzttBR” Luy.


“Team Encore’s victory demonstrated the growing excellence and competitiveness of Filipino esports athletes on the international stage, showcasing the skill, discipline, teamwork, and perseverance necessary to succeed at the highest levels of competitive gaming,” wika ni Aquino, chairperson ng Senate Committee on Science and Technology.

Ayon kay Aquino, ang tagumpay ng koponan ay patunay ng patuloy na paglago ng industriya ng esports sa Pilipinas at ng lumalakas na kakayahan ng bansa na makipagsabayan sa mga international competition sa gaming, habang patuloy na umaani ng parangal ang mga Pinoy esports athletes sa buong mundo.

“The historic triumph of Team Encore in the inaugural Tyr Cup brings pride and honor to the Philippines and serves as an inspiration to Filipino gamers and aspiring esports athletes, further demonstrating the country’s potential to compete and excel in the rapidly growing global esports industry,” giit ni Aquino.

Kilala bilang masugid na tagasuporta ng mga atletang Pilipino sa esports at video game development industry, pinuri kamakailan ni Aquino ang Aurora Gaming PH matapos nitong magkampeon sa Mobile Legends: Bang Bang M7 World Championship na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

- Advertisement -

Tumulong si Aquino sa pagtatatag ng Philippine Esports Association (PeSPA) upang palakasin ang pundasyon ng esports sa bansa, pangalagaan ang kapakanan ng mga esports athlete at iba pang stakeholder, at isulong ang esports sa buong Pilipinas.

Naniniwala rin siya sa napakalaking potensyal ng industriya ng video game development ng bansa na makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -