SA tulong ng Republic Act 12064, o mas kilala ngayon bilang “Tolentino Law,” pinalakas ni Senador Francis Tolentino ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Naisabatas noong Nobyembre 7, 2024, ang “Tolentino Law” ang nagsilbing matibay na sandigan ng bansa sa pagtatanggol ng ating karapatan at yamang-dagat sa West Philippine Sea.
Pinalalakas nito ang legal na posisyon ng Pilipinas sa mga usaping maritime disputes, at pinagtitibay ang ating territorial sea, contiguous zone, Exclusive Economic Zone (EEZ), at continental shelf.
Ang batas na ito rin ang nagsisilbing matatag na sandata ng Philippine Coast Guard sa pagpapaalis ng mga dayuhang barko at sa pagsigurong ligtas ang bawat Pilipinong nangingisda sa ating karagatan.