28.9 C
Manila
Martes, Hunyo 9, 2026

Palasyo pinuri ang BOC sa P406.3B koleksyon

- Advertisement -
- Advertisement -

PINURI ng Malacañang nitong Lunes ang Bureau of Customs (BOC) matapos nitong malampasan ang target na koleksiyon at makalikom ng mahigit P400 bilyon sa unang limang buwan ng 2026.

“Sa pamumuno ni Commissioner Ariel Nepomuceno, hindi lamang nakamit kundi nalampasan pa ng BOC ang target collection nito ngayong taon,” pahayag ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Palasyo.

Ayon kay Castro, umabot sa P406.3 bilyon ang nakolekta ng BOC mula Enero hanggang Mayo ngayong taon. Aniya, ang sobrang koleksiyon na aabot sa PhP9.3 bilyon ay makatutulong sa pagpopondo ng mga prayoridad na programa at proyekto ng pamahalaan.

“Ang epektibong trabaho at striktong pagtutok ng BOC sa collection process nito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguraduhing bawat piso mula sa kaban ng bayan ay mapakikinabangan ng ordinaryong mamamayan,” diin pa ni Castro.

Sinabi rin ni Castro na iniuugnay ni Commissioner Ariel Nepomuceno ang multi-bilyong pisong sobrang koleksiyon ng ahensya sa mahusay na operasyon at mas matibay na koordinasyon ng mga tauhan ng Customs. | PND

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -