27.7 C
Manila
Biyernes, Hulyo 17, 2026

Lacson: Mga tagamasid ng Impeachment Trial, namumuro na sa mga ‘obviously irrelevant’ na manifestation

- Advertisement -
- Advertisement -

NAMUMURO na sa mga tagamasid ng impeachment trial ni Pangalawang Pangulong Sara Duterte sa mga “obviously irrelevant” na manifestation, ayon kay Senator-Judge Panfilo “Ping” Lacson nitong Huwebes.

Ibinahagi ni Lacson ang isang palitan ng biro sa kapwa senator-judge kung saan binanggit niya na malamang ikatuwa ng nasa gallery ang mosyon na ipagpaliban ang paglilitis tuwing nagkakaroon ng ganitong mga manifestation.

“DAY 6: A fellow senator-judge has jokingly asked me if he can move for the division of the house every time he feels annoyed by manifestations obviously irrelevant to the impeachment trial. I told him, a motion to adjourn will elicit more applause from the equally annoyed gallery,” aniya sa isang post sa X.

Sa ikaanim na araw ng impeachment trial noong nakaraang Miyerkules, walang tumestigong saksi ngunit nagkaroon ng mahahabang manifestation, kabilang ang mga tumalakay sa tiyempo ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa multibilyong pisong sports complex sa Tarlac para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Noong nakaraang weekend, nagmungkahi si Lacson ng mga hakbang upang mabawasan ang mga pagkaantala sa impeachment trial, kabilang ang pagpapanatiling nakahanda sa loob ng Senado ang mga saksing inaasahang tumestigo sa loob ng linggo.


Binigyang-diin niya na ang pagpapabilis ng paglilitis ay hindi nangangahulugang isinasakripisyo ang presentasyon ng mga ebidensya, kundi ang mas mahusay na paggamit sa limitadong panahong nakalaan para sa Impeachment Court.

Dagdag pa niya, may karapatan ang Pangalawang Pangulo sa isang mabilis na paglilitis, tulad ng sinumang respondent sa isang karaniwang pagdinig sa hukuman.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -