27.7 C
Manila
Biyernes, Hulyo 17, 2026

Singtel palalawakin pa ang pamumuhunan sa digital infrastructure ng Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

TINIYAK ng Singtel Group ang patuloy nitong suporta sa digital transformation ng Pilipinas at pagpapalawak ng imprastraktura sa teknolohiya matapos ang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nasa Singapore para sa working visit nito.

Sa naturang pulong, sinabi ng Singtel na patuloy itong mamumuhunan sa telecommunications, digital services, at data centers na inaasahang lilikha ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino at magpapalakas sa digital economy ng bansa.

Dinaluhan ang pulong nina Singtel Group Chief Executive Officer Yuen Kuan Moon, Globe Telecom President at CEO Carl Cruz, at Ayala Corporation Vice Chairman Fernando Zobel de Ayala.

Inilahad ng mga opisyal ang lumalawak na pamumuhunan sa Pilipinas, kabilang na ang pagtatatag ng NCS Philippines, isang joint venture ng technology services arm ng Singtel na NCS at ng Yondu ng Globe.


Dahil sa nasabing partnership, lumaki ang workforce ng NCS sa Pilipinas mula 150 tungo sa 1,200 professional, na higit pang nagpahusay sa kakayahan nito sa digital, cloud, at artificial intelligence (AI) services.

Binigyang-diin din ng kumpanya ang pagpapalawak ng ST Telemedia Global Data Centres (STT GDC) sa bansa sa pamamagitan ng bagong STT Fairview facility sa Quezon City at ng STT Cavite 2 development.

Inaasahang higit nitong mapatatag ang posisyon ng Pilipinas bilang umuusbong na sentro ng digital infrastructure sa rehiyon.

Ayon sa Singtel, ang karagdagang pamumuhunan ay makatutulong sa pagpapahusay ng digital infrastructure ng bansa sa pamamagitan ng NCS at nangako ang kumpanya na palalawakin pa ang pamumuhunan at operasyon nito sa Pilipinas.

- Advertisement -

Iginiit ng Singtel na ang patuloy nitong pamumuhunan ay patunay ng matatag na tiwala ng Singapore sa ekonomiya ng Pilipinas lalo na są pagsusulong ng digital transformation, paglikha ng mataas na kalidad na trabaho, at pangmatagalang paglago ng imprastraktura sa teknolohiya.

Muli ring tiniyak ng mga opisyal ng kumpanya ang kanilang suporta sa Globe Telecom habang patuloy itong namumuhunan sa network infrastructure na kailangan upang matugunan ang lumalawak na digital economy ng bansa. | PND

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -